Whatdaheck!! Ka grupo ko si Bipolar!! -_______________-Nakita ko naman ang malungkot na mukha ni Ulap ng matalo siya sa pick. Ghaddd big deal ba yun?
Buti na nga lang at kasama niya sa team niya si Ian para kahit papaano. Nakita ko naman na agad niyang inakbayan si Ian tas may sinabi sa kaniya si Ian kaya naman nag smile na si Ulap.
"Uy tara na" tawag ng isa sa mga kamag-anak ni Ulap. Sorry na di ko kase kilala e.
"Retard" tawag din ni Bipolar kaya naman lumapit na ako kay Bipolar since siya lang naman ang kakilala ko sa mga ka grupo ko.
Nag-usap usap naman kami kung paano kami makaka shoot dun sa kabilang group. At tumatango nalang ako kahit di ko na masiyadong ma gets.
Nung una nasa gitna kami ni Ian at ibabato ang bola, dahil sa katangkaran ni Ian mas nauna niyang naikuha ang bola kaya naman todo habol kami ng mga ka team ko.
Grabe yun. Pero siyempre sila ang nakakuha ng unang puntos.
Haisst.Maya-maya naman si Bipolar at si Ulap pero sadyang mas mabilis lang kumuha si Bipolar kaya naipasa niya agad sa mga kagrupo namin. Ako naman todo cheer lang sabay harang sa mga kukuha ng bola pero siyempre natatamaan padin ako, pero dahil sa magaling ako este kami naipanalo namin ang pangalawang puntos.
Nang ikatlo na ay si Bipolar naman at tyaka si Ian. Parehas silang magaling pero siyempre dahil sa mas matanda este mas malakas si Bipolar kaya siya ang nakakuha.
"Bipolar dito sa akin!!" Sigaw ko eh kase naman free na free ako oh. Di ko nga lang alam kung maipapasok ko yung bola, pero basta free ako.
Narinig naman ata ni Ulap yung sinabi ko kaya agad siyang lumangoy papunta sa akin at talagang hinaharangan niya pa ako, sa tangkad ba naman nito -_-
"Uyy andaya. Dun ka" sabi ko sa kaniya pero tawa naman siya ng tawa.
Ta try ko sanang lumangoy sa gilid niya kaso hinarang niya naman yung kamay niya.
Tinignan ko siya tas tawa lang siya ng tawa. Grabe.
Pilit ko namang binababa yung kamay ni Ulap since napakalaking harang niya. Kaso wala e anlakas niya tas tawa pa siya ng tawa.
Nagulat nalang ako ng may tumamang bola sa ulo ni Ulap kaya medyo napaatras siya sa akin, kaya nakita ko si Bipolar na nakangisi.
"Dude, Anong problema??" Takang tanong ni Ulap.
Nag kibit balikat naman si Bipolar "I was trying to give the ball to Rain, akala ko kayang malapagpasan ang ulo mo. Hindi pala." Sabay langoy.
Napatingin naman ako kay Ulap "Anong problema nun?" Sabi niya sa akin kaya maski ako ay nag kibit balikat.
Nang matapos na namin ang basketball nanalo kami. Yeheheeeey!!! Galing namin HAHAHAHAHAHA. Para kasing na badtrip si Ulap kaya sa laro medyo tahimik nalang siya at parang malalim ang iniisip.
"Mga anak kakain na" Sigaw ng nanay ni Ulap.
Dalawa lang talaga yung anak niya pero sinasama niya na kami ni Bipolar dun.
"Tara na daw ate" Kinuha na naman ako ni Ian. Gustong-gusto talaga ng batang to na makasama ako. HAHAHAHAHA!!
Hindi ko na naman nilingon sila Ulap at Bipolar na kasakukuyang nag-uusap ngayon. Sumama na agad ako kay Ian, baka kase mamaya ma op naman ako dun kung iintayin ko pa sila at tyaka bakit ko naman sila iintayin.
"Sige tara" sabi ko kay Ian
**
Nang matapos na kaming kumain ay pumunta naman muna ako sa kwarto ko para matulog. Nakakapagod. Ayaw naman ako paghugasin ng pinggan ni Tita kaya ayun matutulog na muna ako sa kwarto.
"Ateee Raiiiinnnn!!" Nagising ako agad ng narinig ko na may tumawag sa akin.
Ah trust me si Ian na naman to.
Binuksan ko naman ang pintuan
"Why Ian?" Tanong ko habang nag pupunas ng mata.
"We are going to play again."
Sabi niya tas nag smile pa."Ah I think na I can't make it Ian, I'm so sleepy na talaga e. Sorry. Baka mamaya punta ako." Sabi ko. I know nakakahiyang tumanggi kaso wala e hanap-hanap ko ang kama ngayon. I badly need to sleep or else para akong walking zombie.
Tumango naman si Ian sa desisyon ko "Alright. I'll tell Mom. Sleep well." And with that words umalis na siya.
Agad naman akong bumalik sa kama ko at natulog.
Maya maya ng medyo nakakuha na ako ng tulog ay lumabas na din ako sa lungga ko.
"Hello Ate sleeping beauty" sabi nila Ian kasama sila Bipolar at Ulap.
Trip ng mga to?
Tumango na lamang ako sa tawag nila sa akin.
Parang kanina lang magkakaroon na ng world war III dito pero ngayon,
wowww ang babait nilaPumunta naman ako kayla Tita para tumulong sa kung ano man ang maitutulong ko.
"Nako Ija, bumalik ka na dun kaya na namin to" Sabi ni Tita (Nanay ni Ulap)
Agad naman akong umiling "Nako Tita nakakahiya naman po. Kahit sa paghihiwa nalang po ng hotdog tulungan ko na kayo" Sabi ko.
Bakit ba? Mapilit ako e. Gagawa kase sila ng Menudo kaya kahit man lang paghihiwa magawa ko diba.
Agad ko namang napapayag si Tita, madali nalang kase yun.
"O sige na nga"
Sabi ni Tita at agad naman akong napangiti, Yes! Finally may magagawa na rin ako dito. Ang boring boring naman kase kapag ganun.Habang naghihiwa ako bigla ko nalang napabilis ang paghihiwa at nadaplisan ko yung daliri ko.
"Aray!!" Napasigaw ako sa hapdi, shockkks! Ang careless ko. Mas napasigaw pa ako ng nakita ko yung dugo.
Agad namang naglapitan sila Tita sa akin pati yung mga kasamahan niya.
Nakooo nakakahiya.
"Ija, are you okay?" Tanong sa akin ni Tita habang pinapaupo niya ako sa upuan..
Napatango naman ako bilamg sagot. Okay pa naman ako pero masakit lang talaga.
"What happened?" Tanong ng isa na nasa likod ko, kahit di ko na tignan alam ko na siya yung nagsalita.
"Nahiwa niya yung daliri niya Alex" sabi ni Tita kay Bipolar.
"Can I talk to her?" Tanong niya kay Tita at dali dali namang tumango si Tita, kaya agad din akong kinuha ni Bipolar.
Hatak hatak na naman ako ng isang to..
Hawak hawak niya yung wrist ko, Saan ba kami pupunta??!
*ITUTULOY~
A/N: wasuup!! Kumusta na kayu? HAHAHAHAHAHAHA
So ayun eto na po. Surri na late.
Thank you for supporting me!!!*DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE MY STORY*
SALAMAT (≧▽≦)

BINABASA MO ANG
Marry Me
Ficção Adolescente#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala siyang naiibigang iba? Handa mo ba siyang ipaglaban? O handa mo siyang pakawalan.