Chapter 30

315 7 1
                                    

Dahil wala kaming speaker na dala nakaisip naman agad si Tita para palitan nalang ang procedures.

Bale iikot kami sa malaking bilog at bigla nalang sisigaw si Tita ng "Group yourselves into 5!!" Tas paunahan kaming makabuo ng 5 grupo sa loob ng maliit na dyaryo pero every round hindi na tutupiin yung dyaryo.
Anliit liit na nga tutupiin pa.

"Okay, let's start this game."
Masiglang sabi ni Tita, Imagine patalon-talon pa siya nun habang nagsasalita ang kyot lang haha.

"Okay, group yourselves into 5!" Agad naman akong hinatak ni Ulap at ni Ian at nakasama namin sa pagtapak sina Kath at Bipolar.

Napatingin naman ako kay Kath at todo todo ang smile niya habang nakahawak kay Bipolar, para siyang linta. Kapit na kapit siya kay Bipolar para namang mawawala siya dito.

(A/N; Kalma muna, stress ka masiyado.)

Napailing nalang ako habang umiikot kami para matanggal ang bad vibes na nasa utak ko, dapat magsaya ngayon.

"Now, group yourselves into three!!!!!"

Hinila ako kaagad ni Ulap at sinama niya si Ian sa amin.

Anlakas talagang manghila ng lalake na to, para lang akong isang lumilipad na nilalang kung hilahin niya ako.

Umiikot kami uli habang pumapalakpak, so mukha na kaming baliw ngayon.

"Group yourselves into two!"

Dahil nasa likod ko lang ang dyaryo agad akong tumalikod at pinatong ang mga paa ko dun na sakto namang pagpunta den ni Bipolar.

Napahawak siya sa kamay ko ng muntik pa akong matumba.

Napatitig naman ako sa kaniya.

*LUB*DUB*LUB*DUB*LUB*DUB*LUB*DUB*

Bumitiw naman ako kaagad dahil napatingin sa amin si Kath.

Kasama niya si Ian at si Ulap naman ay nakatingin lang sa akin -sa amin ni Bipolar.

Kaya tumalikod nalang ako agad at sinabing babalik nalang ako mamaya dahil napagod ako.

Naglakad lakad naman muna ako para makapag pahinga at siyempre mawala dun sa awkward atmosphere.

Nag buntong hininga naman ako ng medyo malayo na ako sa kanila.

Haysssss.

Dapat kase di nalang ako sumama sa laro kanina.

(A/N: awtsu, enjoy na enjoy ka nga.)

Tssssss.

Papasok na sana ako ng bigla akong tinawag ni Ian.

Argghh, this kid really knows the perfect timing kung kailan kailangan kong magpahinga.

"Ate, kakain na daw tayo."
Yaya niya sa akin sabay abot ng kamay niya.

Muntik naman akong tumanggi kaso pagkain na ang usapan dito, tiyan ang usapan. Eh gutom pa naman ako kaya ayun napasama ako sa kaniya.

"I want that." Narinig kong sabi ni Kath kay Bipolar.

Hindi po siya waiter at taga bigay ng pagkain. Nako ewan ko ba sa babaeng yan -,-

(A/N: okay ka lang? Selos na yan yiiiii!!!!)

Nang makita naman ako ni Ulap ay agad na siyang lumapit sa akin.

"What do you want?"
Tanong niya sa akin at muntik ko ng masabi na gusto kong mawala si Kath. Lol.

Ngumiti naman ako "Ako na kukuha, nakakahiya naman."

Umiling naman siya. Magulo din to kausap e, itali ko sila ni Bipolar sa puno e. "Nope. Turo mo lang, kukuhanan kita." Sabi niya kaya naman tinuro ko na ang lahat. Joke! Di po ako patay gutom :>

"Wag na Ulap, nakakahiya."

Kaya naman napatingin siya sa akin sabay tawa. Okay. Weird.

"Ikaw? Nahihiya. Sige na kumuha ka na."

Dahil sa sinabi niya nagkaroon tuloy ako ng malaking CONFIDENCE na kumuha ng maraming ulam.

#kumapalangmukhaxD

Tabi naman kami nila Ulap at Ian sa malaking lamesa at sa kabila naman sila Bipolar at Kath.

Bat ganoon? Lagi nalang akong nasa gitna ng magkapatid na to.

"Ako nagluto niyan ate." Pagmamalaki ni Ian.

Tumango naman ako at nag double thumbs up dahil masarap naman talaga.

Napatingin naman ako sa side nila Bipolar at nakita ko na sinusubuan siya ni Kath, kaya agad nalang akong napayuko.

Siniko naman ako ni Ulap.

"Heads up. Enjoy your food." Tapos kumindat pa siya sa akin.

Diba parang abnormal lang. Pero ginawa ko na din ang sinabi niya, tinaas ko uli ang ulo ko sabay kain.


Pagkatapos naming kumain ay pinaikot kaming pinaupo ni tita sa gitna ng bonfire.

"Let's play truth or dare." Masayang sabi ni tita

Grabe super galing niya mag-isip ng mga games siya na talaga ang pinaka game master namin sa laro na to. HAHAHAHAHAHA.

Nag maiba taya naman kami at dahil nga doon namali si Ian.

Napakamot naman siya ng ulo sabay ngiti kay tita.
"Ma, dalian mo lang ha. Labyu ma." Sabi niya kaya agad naman kaming nagtawanan.

Abnormal na bata.

Ngumiti naman sa kaniya si tita ng nakakaloko, bat feeling ko mahirap papagawa niya HAHAHA.

"Truth or dare?"
Tanong ni tita sa kaniya.

"May tiwala ako sayo ma, kaya dare." Malakas niyang sabi.

Wow. Mabait na anak, haha.

"Okay, dare ha hmmm."
Sabi ni tita habang nag iisip.
"I dare you to sing the baby shark song while crying."
Sabi ni tita kaya tuloy parang binagsakan si Ian ng nga elepante, akala niya siguro madali lang kase nga pamilya siya pero sa tingin ko, walang pami-pamilya dito. Haha. Basta may naisip sila na unique at mapang-asar na dare sasabihin na nila.

Nag pout naman si Ian "Ma naman e. Ayoko na haha."
Napatawa naman kami sa sinabi ni Ian.

Pero mamaya maya tumayo na si Ian at ginawa niya ang dare sa kaniya ni tita.

Kaya naman tawang tawa kami at pagkatapos nun ay kumuha nalang siya ng bote at tsaka ito pinaikot. Agad naman itong tumuro kay Kath.

"Okay, Kath truth or dare."

Nakanganga paden naman si Kath, tyaka parang nahihiya pa siya sa amin pero ng tumingin siya kay Bipolar nag smile na siya ulit.

"Dare po." Mahinhin niyang sagot kay tita.

Grabe talaga, napakalaki ng pag kakaiba ko sa kaniya. Haist.

Tumango naman si tita "Hmm, dare? Okay. I dare you na kumanta ka at kantahin mo to kay Reign." Sabi ni tita at napapalakpak pa sita dahil dito.
Napatingin naman ako sa reaction ni Bipolar, at mukhang nagulat din siya.

"Ang ganda ng idea ko." Sabi ni tita sa sarili niya.

"Sige po." Sabi ni Kath at ngumiti siya sa amin.

Bigla naman siyang tumayo sa gitna namin at katapat niya si Bipolar "Reign, this is for you."
Sabi niya at nagsimula siyang kumanta.

A/N :
Hellllo! Finally na kapag ud nadin ako, pasensiya na natagalan. HAHAHAHAHAHA busy kase e :3
nga pala ingat lagi! Wuv u💖

Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon