"Thank you Ulap" Sabi ko kay Ulap nang maihatid niya na ako dun sa tapat ng gate ng biglang akong bumahing.
Sinalat naman ni Ulap ang leeg ko "No prob. Mainit ka baka mamaya mag kasakit ka pa. Uminom ka ng gamot ha" Sabi niya nang may sinseridad sa mga mata niya.
Tumango naman ako ng dalawang beses "Opo. Sige salamat ulit. Ingat ka" Sabi ko sa kaniya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
"Hello Nanay!" Bati ko kay Nanay Rose. Lumapit naman ako para halikan siya sa pisnge.
Turing ko na talaga sa kaniya ay Nanay.Tumingin naman siya sa likod ka na para bang may hinahanap.
"Bakit Nay?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala anak. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit si Sir. Cloud ang kasama mo ngayon diba meron kayong Date ni Sir.Reign?" Tanong ni Nanay.
Napangiti na lamang ako.
"Nay akyat po muna ako sa taas kailangan ko po munang magpalit ng damit." Sabi ko na pilit iniiba ang aming usapan.Hinawakan naman ni Nanay ang noo ko "Mainit ka anak. Nag paulan ka ba o naulanan ka ba? Sige. mabuti pa nga kung ikaw ay aakyat na sa itaas para magpalit ng damit at igagawa lamang kita ng mainit na sabaw para naman medyo umayos ang salat mo."
Nag pasalamat naman ako kay Inay Rose at umakyat na sa taas.
Pagkapunta ko sa kwarto ko ay nagpalit na agad ako ng T-shirt at panjama. Pinatay ko na din ang mga electricfan dahil giniginaw ako. Tsssk mukha pa yatang magkakasakit ako ngayon.
Kinalkal ko ang drawer ko at nakakita naman ako ng thermometer. Inilagay ko iyon sa aking kilikili at mamaya maya tumunog na ito, tinignan ko kung ano ang nakasulat at nakita ko na 37. 7 ang lagay ko.
Sana naman di magtuloy-tuloy ang lagnat ko. Humiga muna ako sa kama ko at kinuha ang makapal na kumot tyaka ko tinabunan ng kumot ang buo kong katawan at ipinikit ko na ang aking mga mata.
*Tok*Tok*Tok*
*Tok*Tok*Tok*
Nagising ako nang marinig kong may kumakatok sa aking pintuan.
Nang umupo ako sa higaan ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya umupo muna ako para maging maayos muna ang pakiramdam ko.*Tok*Tok*Tok*
*Tok*Tok*Tok
Rinig kong katok uli sa aking pintuan. "Saglit lang" sabi ko at tyka tumayo na ako para buksan ang pintuan ko.
Pagkabukas na pagkabukas nakita ko ang iritadong mukha ni Bipolar. Pumasok siya dala dala ang soup na ginawa ni Inay Rose.
Anong ginagawa nito dito?
Nilagay niya ang soup na ginawa ni Inay Rose sa lamesa ko at bigla siyang humarap sa akin na nakakunot ang mga noo.
"Bat ang tagal mong buksan ang pintuan?" sabi niya ng diretso sa mga mata ko at nakakunot paden ang mga noo niya.
"Ano tititigan mo nalang ako?" Tanong niya at lalong kumunot ang noo niya.
"Nahihilo kasi ako kaya medyo natagalan." Sagot ko sa kaniya habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya.
At nakita ko naman ang pagbabago ng mga mata niya kung kanina akala mo ubos na ubos na ang pasensiya niya nang sinabi ko sa kaniya na nahilo ako ay biglang lumungkot ang mga mata niya na animong naaawa siya sa akin.
Bigla niya namang nilagay ang palad niya sa noo ko.
"You're hot!!" Sabi niya at bigla ding namula ang pagmumukha niya.
Anyare dito?
Inaalis ko naman yung palad niya sa noo ko at tumalikod ako papunta sa lamesa para kunin yung soup na ginawa ni Inay Rose.
"Pakisabi kay Nanay na salamat sa soup. Tyka pe--"
"I'm sorry" Nagulat ako ng biglang nag sorry si Bipolar.
Gustuhin ko mang humarap sa kaniya ay di ko magawa.Sorry? Para saan?
" I'm sorry kung hindi kita pinuntahan kanina.... Kath needs me" Sabi niya habang nakatalikod ako sa kaniya.
Napangiti naman ako ng mapakla. Anong akala niya hindi ko siya kailangan? Na akala niya hindi ako mag-iintay ng ganun katagal. Umaasa ako kanina na darating siya! Bwusit!
Humarap naman ako sa kaniya at nginitian ko siya.
"It's okay. I understand. Can you leave my room now?" Sabi ko sa kaniya at nakita ko naman yung mga mata niyang nagulat sa sinabi ko. Pero mamaya ay natauhan siya at tumango siya tyka lumabas na ng kwarto ko at sinara niya na ang pinto.
Huminga naman ako ng malalim pagkaalis niya.
"I'm sorry but she needs me. Tssse ewan ko sayo. mag sama kayo" sabi ko ng pabulong habang paupo sa kama ko.
Tinignan ko din yung soup na dala niya kanina.
Yung mga pag-aalala sa mata niya.Do you care for me Bipolar??
Umiling nalang ako at sinimulan ng kainin ang gawang soup ni Nanay. Sayang naman at medyo lumamig na pero masarap padin naman.
Pagkatapos kong kainin yun ay bumaba na ako para ibaba ang mga kinainan ko.
Tinignan ko kung andun si Nanay pero wala siya, baka namalengke.Kumuha ako ng walang lamang Coke na 1.5 at pinuno ko yun ng tubig.
Naalala kong sabi ng Nanay ko na
damihan ang tubig lalo na kapag may sakit.Napangiti naman ako. kamusta na kaya sila? Kamusta na kaya ang trabaho nila.
Pero kung miss nila ako dapat tinawagan, chi-nat at ti next na nila ako. Haisst. Pero wala naman akong natatanggap galing sa kanila.
Umakyat naman ako, kailangan ko pang mag pahinga kase feeling ko na magkakasakit ako, although nakatulong naman yung ginawa ni Nanay Rose na soup pero parang di parin sapat.
Masakit padin ang ulo ko na para bang pinupukpok at nilalamig paden ako.Matutulog nalang ako para mawala ang sakit ng katawan at ulo ko.
Sinarado ko na yung pintuan at hindi ko na ni-lock kase baka mamaya puntahan ako ni Inay Rose at tanungin niya kung ano na ang kalagayan ko.
Nang maka-upo ako sa kama ko ay nahihilo na ako kaya inihiga ko na yung sarili ko sa kama.
Pinatay ko na yung mga electric fan at kinuha ko yung comforter
at inilagay ko na yun sa katawan ko at natulog na ako.Itutuloy~~
A/N: Hello!!! Kamusta na mga readers? Natuwa ako dun sa reads😳😍😭.
Salamat guysss!!

BINABASA MO ANG
Marry Me
Teenfikce#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala siyang naiibigang iba? Handa mo ba siyang ipaglaban? O handa mo siyang pakawalan.