Chapter 19

486 15 3
                                    

Rain's POV

Nagulat ako ng wala na akong maramdaman na patak ng ulan.
Pero malakas ang buhos ng ulan.

Tumingala ako at nakita ko na ako ay pinapayungan.

"Bipol--" tawag ko pero naputol ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita.

"Ulan." Kilala ko yung boses na yun. Siya lang den naman ang tumatawag sakin nun. Ewan ko ba pero bigla akong nanlumo nang siya ang makita ko.

"C-cloud bakit ka andit-"

"BAKIT KA NAG PAPAULAN DITO? HA?" Mahina pero galit niyang sabi.

Tumingin ako kay Ulap at nakita ko na nakaganto yung mukha niya (-_______________-) Lagot.

"Iniintay ko kase si R-"

"Anong oras ba kayo dapat magkita ha?"

"Alas tre-"

"Alas tres!!! Tignan mo kung anong oras na. Alam mo ba kung anong oras na? Ha? 4:30 na Rain. 4:30 na. Halika na umuwi na tayo. Mag kakasakit ka niyan."

Ayaw ko...

"A-ayaw ko Cloud. Baka mamaya pumunta paren siya dito." Sabi ko kay Ulap at nag simulang bumuhos ang aking mga luha.

"4:30 na Rain. Alas tres kayo dapat magkita. Antagal na nun. Di na siya babalik. Halika na."
Sabi ni Ulap at hinawakan niya ang braso ko.

Ayaw T-------T

"CLOUD INTAYIN NAMAN NATIN SI REIGN. PLSSS." Sabi ko habang humahagulgol.

"Halika na Rain. Basang basa ka na oh. Magkakasakit ka niyan sa pinaggagawa mo eh." Sabi ni Ulap sa nag-aalalang tono.

Buti pa siya nag-aalala si Bipolar kaya inaaalala niya kaya ako?

Pero nanatili paden akong nakaupo sa bench habang patuloy na bumabagsak ang nga luha.

"Ulap sabi niya na iintayin niya ako. Binili niya pa nga ako ng damit eh excited na ako eh. P-pero bah ganun? Pinaasa niya lang ba ako sa wala? Pinag-tri-tripan niya ba ako? Kase umaasa ako eh. Pero wala naman pala. Umasa ako. Bwusit siya. Bwusit siya. Paasa siya Ulap. Paasa siy-"

Naputol yung sasabihin ko ng niyakap ako ni Ulap.

"Shhhhh tahan na. Andito naman ako eh. I can date you and I can buy you hundreds of dresses. Just don't freaking cry." bulong niya habang yakap yakap ako. "I want to see your smile again. The rain is getting harder, we need to go." Sabi niya at inabot niya ang kamay niya sa akin.

Walang alinlangan na inabot ko ang kamay ko sa kaniya.

Pumunta kami ni Ulap sa malapit na mall dito at bumili din siya ng  damit ko.

"Here use this. Itapon mo na yang damit mo na yan. You don't need that. Wear this."
sabi niya at inabot sa akin yung paper bag. "I will wait for you."
sabi niya at hinatid niya ako sa cr at sumandal sa pader.

Tumingin ako kay Ulap at tumango at saka pumasok sa loob ng cr.

Nang matapos na akong magbihis tumingin sa salamin.
I'm wearing a light peach dress na hanggang tuhod. Plain lang siya walang design pero maganda at hindi malinaw ang tela niya.
Mukha akong bruha kanina pero ngayon mukha na naman akong tao. Inayos ko yung buhok ko ng pa ponytail.

Nakakaiyak paden ako sa mga nangyari kanina.
Lumabas ako at nakita ko naman si Ulap na nakayuko pero nang dumako sa akin ang mga mata niya bigla siyang umayos ng tayo.

Nakayuko naman akong lumapit sa kaniya.

"Bat ka nakayuko?" tanong ni ulap.

Umiling naman ako sa kaniya at malapit lapit na namang bumagsak ang mga luha ko.

Hinakawan ni ulap ang mga balikat ko.

"Wag ka nang umiyak bibili nalang kita ng ice cream"

"Woi anong tingin mo sa akin bata?"

"Hahahahahahahaha"

Pero mamaya ay nakatayo na kami sa DQ at ibibili niya ako ng ice cream.

Umupo muna ako sa upuan habang hinihintay si Ulap.

"Tadaaaa" Parang batang sabi ni Ulap at sabay lapag ng ice cream sa mesa ko.

kinuha ko naman yun at nagpasalamat sa kaniya..

Mamaya maya ay naubos na nin ang kinakain namin nagyaya si Ulap na lumibot kami.

Pero may nakita akong hindi iniisahan. Si Bipolar at si Kath magkasama at parehas na nakangiti. Nakalimutan ba ni Bipolar ang usapan namin?
Imposible. Binili niya pa nga ako ng damit.

"Tara Ulap sa iba muna tayo"
Pagyayaya ko kay Ulap.
Tumango naman siya.

Nang pahakbang na ako ay may tumawag sa pangalan ko.

"Rain!!!" boses ni Kath.


A/N; Long time no update si Ms.A
Hahahahaha sorry na po.

*Don't forget to vote,comment and share~*


Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon