PROLOGUE
'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.'
Isa lang naman ang hiling ko sa Panginoon, 'yun ay ang bawiin niya ang binigay niya sa akin na abilidad upang makapag-artista na ako. Matatanggap ko pa yung nakakakita ako ng mga kaluluwa, pero may idinagdag pa siya! Sa tuwing madadampi ang balat ko sa kahit na sinuman tao, nakikita ko kung paano sila mamamatay. Nakakatakot! Mas nakakatakot pa sa nakaputing babae na nakababa sa likuran ng mga taong nakakasalubong ko lagi. Mas nakakatindig balahibo sa mga duguan na batang nakikipaglaro sa akin tuwing hating-gabi at mas nakakasakit ng dibdib kumpara sa umiiyak na babae sa sulok ng banyo namin. Para na akong mababaliw dahil sa sobrang takot. Iba kasi yung pakiramdam na makikita ko silang mawawalan ng buhay sa isip ko at wala naman akong magagawa, dahil hindi naman sila maniniwala kahit na babalaan ko pa sila.
Sinubukan ko ang modernong panggagamot. Naghanap ako ng magaling na Psychologist. Ang buong akala ko ay matutulungan niya ako, ngunit mas gumulo ang lahat.
Ayokong mapalapit sa kanya, dahil alam kong masasaktan lang ako sa makikita ng aking mga mata. Ngunit anong magagawa ko kung sa paglayo ko, s'ya naman ang magpupumilit na lumapit?
XXX
SAYONARA CHINJIHello! So this is it mga bebe! Kaya ko nasabing out of my comfort zone kasi may halong horror 'tong story ni Gun :) Natatakot talaga akong magsulat ng horror kasi parang tinatakot ko na rin ang sarili ko pagnagsulat ako ng ganun na genre pero susubukan ko talaga this time ;) Romance, Comedy, Horror at Fantasy pinagsama-sama ko beh. Sana magustuhan niyo.
VOTE sa mga gusto na ng Chapter 1
Comment your thoughts ;)
Kulang pa yung mga names! Message me kung may suggestions kayo please :)
THANK YOU and GOD BLESS.
BINABASA MO ANG
She's Half Crazy [COMPLETED]
Fantasy(Jasbeer Gun Vergara's story) COMPLETED 'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.' Author: AC Ramos (sayonara_chinji)