Chapter 30

1.8K 83 6
                                    

Chapter 30
#BeautifulGoodbye

Princess Marj POV

“Uy! May nakakaalala sa kanya!” Parang tanga na nangingisay sa harapan ko si Multong iyakin. Hindi ko malaman kung kinikilig ba siya o may lahi ba siyang bulate sa past life niya.

Itinigil ko na lang ang pagkamot ko sa ilong ko. Itinuon ko ang atensyon ko sa mga kabataan na naglalaro ng beach volleyball, hindi kalayuan sa kinauupuan kong cottage.

Ang sabi nila Ate Meddilyn at Kuya Gordon, time ko na ito para makapagpahinga, hindi lang physically kun'di pati mentally at emotionally na rin. Pero paano naman ako makakapagpahinga kung binibwiset ako ng white lady na 'to?

Sis, bumaba ako sa likuran ng cute na 'yun! Nahulog ako sa sobrang lakas ng anghit niya!” As if naman na nakakaamoy siya.

Sis! Ano ka ba?! Ano bang ginagawa mo diyan?! Halika na, sumama ka sa akin! Magswimming na tayo!” Ngayon pa lang ako makakakita ng white lady na nagsi-swimming pagnagkataon.

Sis, nagugutom na ako! Nakita ko 'yung mga pagkain sa kabilang cottage! Nakakagutom!” Lagi naman talaga siyang gutom.

Grabe 'yung suot ni ateng! Labas na kuyukot! Nagpanty pa siya!” Hindi ko na mabilang kung ilang tao na ang nalait niya.

Aktong magsusuot na sana ako ng earphone para hindi ko na marinig si Multong iyakin nang may lumapit sa akin na apat na babae. Pare-pareho silang nakaswimsuit at basa na ang buhok. Medyo nahiya tuloy ako sa hitsura ko ngayon. Nakajacket na itim kasi ako at maong na shorts na above knee ang haba. Ayokong magpalit ng swimsuit, kasi una pa lang wala naman talaga ako sa mood na maligo, isa pa... hangga't maaari ay ayokong may makitang pangitain ngayon. Gusto ko talagang magpahinga. 'Yung pahinga na maayos.

“Excuse me, p'wedeng papicture?” Sabi ni ateng matangkad. Sobrang payat niya at naghe-hello na sa akin ang ribs niya.

Hinubad ko ang black shades na suot ko, 'tsaka ako bumaba ng cottage. Halata ko ang excitement sa mukha nila. Akalain ko bang may makakakilala pa sa akin dito!

Tatabi na sana ako sa kanilang apat nang i-abot sa akin ni ateng ribs ang iphone niya. Noong una ay nag-aalangan pa akong kuhanin ito, pero na-isip ko na baka gusto nila ay magkakasama kaming lima sa iisang picture kaya selfie ang gagawin namin. Uso nga pala 'yun sa mga millenials ngayon.

Pum'westo ako sa gitna nila at itataas ko na sana ang cellphone nang magtawanan silang lahat.

“What are you doing?” Natatawang tanong sa akin ni Ateng ribs.

“Magpapapicture kayo, 'di ba?” Clueless kong tanong sa kanila. Isa-isa ko pa silang tiningnan, but they're all laughing. 'Yung tawa na nangungutya.

“Magpapapicture nga kami. Kaming apat lang.” Sagot ni ateng nakabun and buhok.

“Are you some kind of celebrity para makipagselfie kami sa'yo? Nevermind na nga lang!” Still, nakangisi pa rin si Ateng ribs, bago niya hinablot sa akin ang iphone niya. Sa paghablot niya nito... isang nakakapangilabot na pangitain ang nagflash sa mga mata ko.

She's Half Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon