Chapter 12

2.2K 99 20
                                    

Chapter 12
#Kaba

Princess Marj POV

'My princess!'

'My princess!'

'My princess!'

Nababaliw na ako. Bakit paulit-ulit na nagpe-play sa tainga ko ang boses niya? Para akong may suot na headset at tanging 'yung boses lang nitong lalaking kasama ko ang naririnig ko. Nababaliw na nga ba ako?

Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya at hindi ko mai-alis ang paningin ko sa kanya. Parang naka-pako. Para akong nahypnotized ng budol budol gang.

Unti-unting nawala ang boses niyang tumatawag sa akin ng 'My princess' at napalitan ito ng nakakatunaw na kanta.

'You and I,
we're like fireworks and symphonies
exploding in the sky'

'Yung mga mata niya.. parang nangungusap.

'With you, I'm alive.
Like all the missing pieces of my heart
they finally collide'

Sa tangos ng ilong niya.. mahihiya ang Mt. Mayon.

'So stop time right here in the moonlight
'Cause I don't ever wanna close my eyes'

Ang labi niya.. parang ang lambot-lambot. Gusto kong maramdaman kung gaano 'yun kalambot.

'Without you I feel broke like I'm half of a whole
Without you I've got no hand to hold'

Namamalikmata lang ba ako o kumikinang talaga ang balat niya? Bakit sobrang liwanag niya?

'Without you I feel torn like a sail in a storm
Without you I'm just a--'

Tumigil ang kanta at napalitan ito ng nakakabinging busina ng sasakyan. Para din akong nahimasmasan at bumalik sa mundo. Napansin ko na isinara ni Doctor Jasbeer ang bintana ng kotse.

"Hey? Are you listening?" Ha? May sinabi ba siya?

May kinuha siya sa bulsa ng dark blue suit na suot niya at inabot ito sa akin. Isang puting panyo, pero bakit? Hindi naman ako umiiyak.

Kinuha ko na lang ito ng hindi nagtatanong. Baka gusto niya lang ipahawak kasi.

"Wipe your saliva." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumutulo ba ang laway ko?

Natataranta akong naghanap ng salamin sa loob ng kotse niya, pero wala akong makita! Hanggang sa may ibinaba siya sa bandang ulunan ko at may biglang lumitaw na salamin. Agad kong tiningnan ang bibig ko at confirmed nga. May isang linya ng laway na tumulo pababa sa baba ko. Nakakahiya! Nakakahiya ka Pimang! Pantasya pa more!

Hindi na tuloy ako makatingin kay Doctor Jasbeer. Kung pwede lang matunaw na ako ngayon dito sa kinauupuan ko. Kung pwede lang maglaho na parang bula. Siguro diring-diri na siya sa akin ngayon. Pimang naman kasi eh!

Nakarating kami sa Mercy Hospital at hiyang-hiya pa rin ako sa kanya. Ano kayang gagawin namin dito? Gusto ko sana siyang tanungin, pero nahihiya pa rin ako eh.

Nau-una siyang maglakad at ako naman ay tahimik lang na nakasunod sa kanya. Hanggang sa dere-deretso siyang pumasok sa loob ng isang kwarto.

Sumilip muna ako, at tiningnan kung anong mayro'n sa loob. Pang-isahan na tao lang pala itong kwarto na ito. Pang-vip. Sino naman kayang dadalawin dito ni Doctor Jasbeer?

"Momsy." Narinig kong sabi ni Doctor Jasbeer sa babaeng nakahiga sa kama.

"Gun! What are you doing here? I thought may house blessing kang pupuntahan ngayon." Si Ma'm Vira?

She's Half Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon