Chapter 31
#ClicheIlang araw na nga ba ang nakalipas magmula nang umakyat sa langit si Saira? Hindi ko na mabilang, dahil sa sobrang haba ng bawat araw na nagdaan. Lolokohin ko ang sarili ko, kung sasabihin kong hindi ko siya namimiss. Kahit na badtrip ako lagi sa kanya dati, hinahanap-hanap ko ang pangungulit niya ngayon. Sana lang hindi niya bigyan ng sakit ng ulo ang mga kasama niya sa itaas. Sana maging buo at masaya na siya doon.
Ako naman? Susubukan kong gawin ang mga huling hiling niya sa akin. Susubukan ko, at sana ay makaya ko.
I'm trying my best na patawarin ang tatay ko. Pilit ko ngayong iniintindi kung bakit niya kami nagawang iwan, at kung bakit hindi man lang niya kami nilingon, kahit isang beses lang. Mahirap, pero sinusubukan ko ngayon. Hopefully, balang-araw, magawa ko nang tumayo sa harapan niya na walang galit sa puso.
At si Doctor Jasbeer? Hindi pa ako sigurado kung paano ko siya haharapin muli. Gusto ko sanang tanungin siya, kung bakit niya ako iniiwasan after the kiss sa rooftop, pero hindi pa ako makahanap ng tiyempo.
Ang mahalaga ngayon, naniniwala ako na binabantayan ako ni Saira sa langit, kasama sina nanay, lola at lolo. Everything will be fine. Kung hindi man ngayon, baka sa susunod na mga araw.
***
Jasbeer Gun POV'7 pm, Lion Hotel, don't be late.'
I didn't bother to look at the picture na sinend sa akin ni Dad. I was about to close the elevator, when someone shouted.
“Wait! Paki-hold!” It was the woman na palaging kasama ni Princess. She was sprinting papasok ng elevator. She gave me an awkward face nang makita niya ako. “Thank you.”
I was wondering kung bakit hindi pa nagsasara ang elevator, but then I realized that she was still holding the button. She was waiting for Princess.
Curiosity hits me, when Princess came in wearing a low-spirited face. It was like... she was mourning for someone's death. I want to ask her what happened, but I don't think I'm at the right position to do that. That's why I didn't.
Ako ang unang lumabas ng elevator, since sa aking personal parking floor ako papunta. But before magsara ang pinto ng elevator, I stopped to get a glimpse of her.
Her eyes were fixed on the floor. I wonder kung alam niyang nasa likuran niya lang ako kanina.
***
Princess Marj POV“Bakit kaya ang unfair ng buhay? May tao pala talagang ipinanganak na parang nasa kanya na lahat, ano?”
“Sino naman 'yun, ate?” Hinintay ko siyang makasakay din sa van, para marinig ko ang sagot niya, bago ako magsuot ng earphone sa tainga.
“Si Doc Vergara. Kanina noong kasabay natin siya sa elevator, he's giving me the feeling na para bang ang taas-taas niya at ang liit-liit ko naman.”
Kusang bumaba ang mga kamay ko na may hawak ng earphone nang dahil sa sinabi niya. “Ha? Kasabay natin siya sa elevator kanina?” No way! Bakit ba ako lutang kanina?!
Anyway... hindi pa rin niya ako binati. Wala pa ring pansinan ang eksena. Mukhang malabo na yata na magawa ko ang hiling ni Saira.
“Hindi mo siya nakita, bunso?” Nagtatakang tanong sa akin ni Ate Meddilyn.
Umiling na lang ako bilang sagot, atsaka ko isinuot na ng tuluyan ang earphone.
***
Arc POV
BINABASA MO ANG
She's Half Crazy [COMPLETED]
Fantasy(Jasbeer Gun Vergara's story) COMPLETED 'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.' Author: AC Ramos (sayonara_chinji)