Chapter 32

2.2K 82 1
                                    

Chapter 32
#SlowlyDrowning

Princess Marj POV

Sheteng palaka! Anong ginagawa ko dito sa unit ni Doctor Jasbeer? Ang alam ko... nasa reunion lang ako, tapos... taposshete! Kasama ko si Froilan at hindi ako makapalag dahil walang lakas ang katawan ko. Biglang dumating si... dumating si Doctor Jasbeer! Dumating siya at binuhat ako. Pagkatapos... hindi ko na alam. Ano nga bang nangyari pagkatapos nu'n? Dito niya ako dinala?

I tried my best na hindi makagawa ng kahit na anong klase ng ingay habang palabas ng kwarto. Nakahinga ako ng maayos nang hindi ko matagpuan sa kahit saang sulok ng unit si Doctor Jasbeer. Para akong isang magnanakaw na takot na takot mahuli ng may-bahay. Magdidiwang na sana ako pagkabukas ko ng pinto palabas nang magkasalubong ang mga mata namin ng lalaking iniiwasan ko sana. Base sa suot niyang white fitted shirt na medyo basa dahil siguro sa pawis niya, at sa running shoes na suot niya, sigurado akong kakagaling niya lang sa pagtakbo.

Shete! Sakto pa talaga na pabalik na siya sa unit niya?

“Ah.. sorry!” 'Yun lang ang nasabi ko bago ko siya bahagyang itinulak para makadaan ako palabas.

Iniwasan kong lingunin siya, habang para akong timang na natataranta sa pagpindot sa passcode ng unit ko. Kulang na lang 'ata ay magteleport na lang ako papasok sa loob, sa sobrang hiya ko sa kanya.

***
Arc POV

Gusto ko sanang isipin na namalikmata lang ako at hindi totoo ang nakita ko sa hallway, pero parang niloloko ko naman ang sarili ko kung iyun nga ang gagawin ko.

Ang dahilan kung bakit hindi ako sinipot ni Miss Malone kagabi, magkasama pala sila ng hilaw na doctor na 'yun. 'Yung iisipin ko pa lang na doon sa unit ng doctor nagpalipas ng gabi si Miss Malone... gusto ko nang manapak. Ito ang ikinakatakot ko magmula nang lumipat siya dito sa condominium. Mapapalapit na naman siya sa lalaking 'yun at... mababaliwala ako.

Hindi ko dapat hayaan na magpatuloy pa 'to. Gagawin ko ang lahat para magustuhan niya rin ako. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako.

***
Jasbeer Gun POV

She left and said she's sorry? It's not that I want to hear more from her, I just want her to at least... at least realize the meaning behind my actions last night. I came running for her at iniwan ko ang sarili kong date without even saying goodbye. I know that she's quite drunk at that time, but I also know na alam niya kung anong nangyayari. I just want her to realize that... that I still love her. Na hindi pa rin nagbabago ang feelings ko sa kanya. She can even ask me at sasagutin ko 'yun directly. But she just left.

I looked around the empty room and felt the loneliness it's giving me. Then my eyes caught something. There was a red high heels shoes just beside the bed. It was the shoes Princess was wearing last night. A positive encouraging smile grew over my face.

I decided to return the shoes. It's an opportunity to see her again, and baka makausap ko na siya this time. But then... it was a failed plan. Personal Assistant niya ang nakausap ko, at napag-abutan ng sapatos.

She's Half Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon