Chapter 29
#CrazyComplicatedLove~Just another woman in love, a kid out of school
A fire out of control, just another fool
You touch me and I'm weak, I'm a feather in the wind
And I can't wait to feel you touching me again
With you I'm just another woman,
Just another--Pakiramdam ko ay bumalik ako sa earth nang biglang patayin ni Ate Meddilyn ang radyo. Kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan.
“Uy bunso! Ano bang iniisip mo d'yan? Kagabi ka pa ganyan ah! May nangyari ba sa'yo after ng wrap up party? Mag-isa ka nga palang umuwi kagabi. May nangyari ba, bunso?” Nasa harapan ko na ngayon si Ate Meddilyn. Inagaw niya sa akin ang hawak kong bread at pati na rin ang strawberry jam. Siya na ang nagpatuloy sa pagpapalaman dito.
Bubuka na sana ang bibig ko para sagutin ang mga tanong niya, pero imbis na salita ang lumabas, isang malalim na buntong hininga ang naisagot ko sa kanya. Napatitig ako sa strawberry jam, at sa lahat ng p'wede kong ma-imagine ay ang labi pa ni Doctor Jasbeer! Shete ka talaga Pimang! Nakaramdam ako ng biglaang init, kaya naman ginawa kong pamaypay ang dalawa kong kamay.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpapakalma sa sarili ko nang mapansin kong nakatingin pala sa akin si Ate Meddilyn. 'Yung tingin niya... para bang takang-taka siya sa nangyayari sa akin ngayon. Nginitian ko na lang siya, atsaka ako nagtatakbo papasok sa kwarto ko.
Pagkasara ko ng pinto ay tinapik-tapik ko ng bahagya ang dalawang pisngi ko. Ang init kasi at sa palagay ko ay pulang-pula na ito. Hindi ako p'wedeng magpakita kay Ate Meddilyn ng ganito, kahit na hindi siya 'yung tipo na nanggigisa. Nahihiya ako! Hindi ko alam kung kanino. Kay Doctor Jasbeer ba o sa sarili ko? Kung bakit kasi hinalikan ko siya! At kung bakit kasi... gumanti siya ng halik! Nah! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Paano ko na siya haharapin ngayon? Paano pa ako makakakilos ng normal kapag nasa paligid ko lang siya? Paano na?
Itinapon ko ang sarili ko sa malambot kong kama. Ibinaon ko ng todo ang buong mukha ko sa blanket, atsaka nagpapadyak.
“Anyare, sis? Natatae ka ba, pero may tao sa cr?”
Hindi ko pinansin si Multong iyakin. Nagpatuloy lang ako sa kaweirduhang ginagawa ko.
“Sabi ko na sa'yo eh! For emergency talaga 'yung adult diaper na itinuro ko! Kung sana bumili ka, eh 'di hindi ka nagpipigil ngayon! Ayan kasi!”
“Bunso?” Nasundan ang tawag sa akin ni Ate Meddilyn ng sunod-sunod na katok. “Tumawag si Manager Olly. Hindi na daw... hindi na tuloy ang contract signing mo. Si Queenie na daw ang ipapalit ng management.”
Magugulat at magtataka pa ba ako? Pang-ilang beses na niyang inagaw ang mga projects na sana ay sa akin. Hindi na ito bago.
“Sa tingin ko, kailangan mo nga ng pahinga. Ang sabi ni Manager Olly, ilabas daw kita. Saan mo gustong pumunta ngayon? Gusto mo ba sa beach? Sandali lang, tatawagan ko si Gordon para maihanda na ang sasakyan. Magbihis ka na, ha?”
Tumihaya ako sa kama at tumitig sa kulay puting kisame. Katulad ng blangkong kisame na kaharap ko ngayon, blangko na rin ang schedule ko.
“Bumangon ka na diyan! Sige na sis! Excited na ako! Gusto ko rin pumunta ng beach! Tara lets na!” Pilit akong ibinabangon ni Multong iyakin, pero pinabibigat ko ang katawan ko, dahil sa totoo lang ay kinakabahan akong umalis ng bahay ngayon. Baka kasi mamaya ay masakto pang magkasabay kami ni Doctor Jasbeer sa elevator. Ayoko nu'n! Matutunaw ako sa hiya 'pag nangyari 'yun! Hindi ko pa rin alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos nang nangyari kagabi.
BINABASA MO ANG
She's Half Crazy [COMPLETED]
Fantasy(Jasbeer Gun Vergara's story) COMPLETED 'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.' Author: AC Ramos (sayonara_chinji)