Chapter 8

2.3K 102 16
                                    

Chapter 8
#TaoLangAko

'Pimang!'

'Pimang!'

'Pimang!'

Tinakpan ko na ang tainga ko, pero naririnig ko pa rin ang nakakabinging boses at tawa niya!

"Tama na!" Napabalikwas ako sa kama. Nu'n ko lang napagtanto na nananaginip lang pala ako.

Panaginip lang pala. Panaginip lang na pinagtawanan niya ang palayaw ko, pero totoo na tinawag niya nga akong 'Pimang' kagabi.

Pabagsak akong nahiga ulit sa kama, dahil sa naisip ko. Kung bakit kasi inilagay ko pa 'yung palayaw ko sa lintek na bondpaper na 'yun!

"Ang tanga mo talaga Pimang! Kasalanan ko! Kasalanan ko! Kasalanan ko! Nakakainis!" Halos mahulog na sa sahig ang kumot ko sa sobrang pagwawala ko sa kama.

Ngayon, may pang-asar na tawag na sa akin 'yung masungit na 'yun! Hindi niya dapat nalaman ang nakakatawa kong palayaw eh!

Pumikit ako at pilit na kinakalimutan ang boses na nakatatak sa isipan ko. Tinatawag niya akong Pimang, paulit-ulit! Walang katapusan!

Bakit ba hindi ko makalimutan? Bakit ba hindi maalis ang boses niya sa isipan ko?

"Psst!" Sino 'yun?

Nagmulat ako at halos lumuwa ang mga mata ko nang biglang sumulpot ang puting pagmumukha ni Multong iyakin sa tapat mismo ng mukha ko!

"Boom!" Langya! Kitang kita ko ang madugong gilagid niya habang walang humpay siyang tumatawa!

Lokong 'to! Lumutang ba sa ibabaw ko!

"Ha-ha-ha! Nakakagulat! Tigilan mo nga ako! Sa iba ka mang-bwiset kung wala kang magawa! Chupi!" Inirapan ko siya atsaka ako bumaba na sa kama.

"Pakunwari ka pa! Kitang kita ko kaya! Nagulat ka! Aminin mo na kasi!"

Hindi ko na lang siya pinansin. Isinuot ko ang relo ko at tiningnan ang oras.

Ala-sais pa lang ng umaga. Siguro naman hindi na ako masesermunan ngayon.

Ipinuyod ko ang buhok ko bago ako lumabas ng kwarto.

"Tulog pa rin kaya siya?" Maingat akong tumapat sa pinto ng kwarto ni Doctor Sungit. Hahawakan ko pa lang ang doorknob nang bigla itong magbukas ng dahan-dahan.

Marahan akong pumasok sa loob at tiningnan ang malaking kama na nasa gilid ng babasagin na dingding. Wala na siya. Teka, kung wala na siya dito sa kwarto, sinong nagbukas ng pinto?

Naramdaman ko na unti-unting nagtataasan ang mga balahibo ko sa katawan.

"Multong iyakin, ikaw ba 'yan?" Ayokong lumingon. Nararamdaman ko kasi na may papalapit nang papalapit sa likuran ko ngayon.

Isa.. dalawa.. tatlo..

"Princess.. Princess.." Bumubulong na siya sa tainga ko! Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, dahil napansin kong may tumutulong dugo mula sa kanya at 'yung mga paa niya nangingitim na!

"Nanay!" Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob upang tumakbo papunta sa pintuan palabas ng kwarto! Kapag minamalas nga naman talaga oh! Nakalock 'yung pinto! Hindi ko mabuksan!

"Princess! Princess! Princess!" Ang lakas na ng boses niya!

Pilit kong binubuksan ang pinto, pero nakalock talaga!

She's Half Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon