Chapter 18
#SayangNaSayangTalaga"Ang pangarap ko'y nagmula sa'yo. Sa'yong ganda ang puso'y 'di makalimot." Tumayo ako sa kama at nagsimulang magsasayaw. Tipong ini-imagine ko kasayaw ko ngayon si Doctor Jasbeer Gun. Spell kilig! "Tuwing kapiling ka, tanging nadarama.. ang pagsilip ng bituin sa 'yong mga mata. Ang saya nitong pag-ibig. Sana ay 'di na mag-iiba!" Ipinikit ko ang mga mata ko at nagpatuloy pa rin sa pagsasayaw. "Ang pangarap ko ang 'yong binubuhay. Ngayong nagmamahal ka sa akin ng tunay. At ang tinig mo'y parang musika. Nagpapaligaya sa munting nagwawala. Ang sarap nitong pag-ibig. Lalo na noong sinabi mong.."
"Dadalhin kita sa 'king palasyo!" Otomatiko akong tumigil at tiningnan ng masama si Multong iyakin. Lecheng white lady na 'to! Moment ko 'to eh! Agawan ba 'ko! "Dadalhin hanggang langit ay manibago! Ang lahat ng ito'y pinangako mo!" Napaurong ako at napangibit nang bigla na lang siyang lumipad palapit sa akin. Inilapit niya ang namumuti niyang mukha sa mukha ko. "Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap mo!" Idiniin niya talaga 'yung 'mo'! Leche!
"Wow. Epal ka talaga! Ang ganda ganda ng pagkanta ko tapos aagawin mo 'yung chorus!" Na-upo ako nang pabagsak sa kama.
Umupo rin sa tabi ko si multong iyakin. Nakangisi siya sa akin ng pang-asar. Kulang na lang ay tubuan siya ng sungay sa ulo! Bwiset talaga itong babaeng 'to kahit kailan!
"Assumera ka na naman kasi sis. Mali pa 'yung kinakanta mo. Hindi mo ba naintindihan ang chorus ng kanta na 'yon? Ang lahat ng ito'y pinangako mo! Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko! Ano? Ano? Emote emote ka diyan na kinikilig ka, tapos pang-broken hearted ang kanta mo! Dapat ang binabanatan mo sis, 'yung mga kanta ni Willie Revillame! Ikaw na nga! Ang hinahanap ng puso! Sa piling mo'y nagkatotoo ang lahat ng mga pangarap ko! Ganern! Hindi ka rin marunong eh!"
Ang totoo niyan.. ngayon ko lang rin nalaman na pangbroken-hearted pala ang kanta na 'Dadalhin' ni Regine Velasquez. Akala ko pang-inlove.
"Ewan ko sa'yo! Matutulog na nga ako! Lumayas ka na dito sa kwarto ko! Chupi!" Pinagsisipa ko si Multong iyakin pagkahiga ko, pero lusutan naman ang mga paa ko. Kagandahan nga naman ng pagiging multo! Pasalamat siya tsk!
"Pero sis.. aminin mo, kinilig ang p'wet mo kanina! Ang haba ng hairlalu! Gupitin ko 'yan eh!"
Napangiti ako nang maalala ko na naman ang nangyari kanina. Hinigit ko ang kumot ko at itinalukbong ko ito sa ulo ko bago ako nagpapadyak sa sobrang kilig. Shetewaloeyt! Ang haba-haba nga ng buhok ko!
BINABASA MO ANG
She's Half Crazy [COMPLETED]
Fantasy(Jasbeer Gun Vergara's story) COMPLETED 'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.' Author: AC Ramos (sayonara_chinji)