Chapter 26

1.8K 81 4
                                    

Chapter 26
#HetoNaNamanTayo

Princess Marj POV

Doctor Jasbeer..

Doctor Jasbeer..

Doctor Jasbeer..

“Princess!”

“Doctor Jasbeer!”

Katahimikan. Isang mahaba-habang katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.

Gusto kong pulutin ang makapal na English Book na nasa harapan ko ngayon. Hindi dahil sa gusto kong magbasa at mag-aral ng ingles, kun'di dahil sa gusto ko itong ipukpok sa bibig ko ngayon! Shete! Ito na yata ang pang-isang daang beses na nangyari itong scene na 'to! Sa sobrang familiar nito para akong nagde-deja vu!

“Manager... sorry.” Para akong unti-unting natutunaw sa sobrang hiya. Pimang, tinulugan mo na naman ang English tutor mo!

“Ano bang gagawin ko sa'yong bata ka? Pang-sampung tutor na si Mr. Kim! Pang-sampu na rin siya sa mga nagquit!” The usual Manager Olly, nakapameywang na naman at umuusok ang ilong.

Dahan-dahan kong isinara ang mga librong nakapatong sa mesa at ipinatas ito. Pinilas ko rin ang mga apat na pages ng notebook ko dahil sa nabasa ito ng laway ko habang natutulog ako kanina.

“Medyo marunong na naman ako ng english eh! At isa pa Manager...” Bitbit ko sa paglalakad ang laptop at cellphone ko. At bago ako tuluyang makapasok sa kwarto ko ay itinuloy ko ang pagsasalita. “Hindi mo naman ako isasali sa Ms. Universe, 'di ba? Kung isasali mo ako, gagamit ako ng translator!” Nakangisi kong biro sa kanya atsaka ko lang tuluyang isinara ang pinto ng kwarto ko.

“Nakakapagbiro ka pa talagang bata ka! Hoy!” Sabay katok sa pinto ko. “I-alarm mo 'yang cellphone mo ng 6 am.! Susunduin ka ni Meddilyn para sa photoshoot!”

“Okay!” Sigaw ko dahil hindi titigil si Manager Olly kung hindi ako sasagot.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at ibinaling ang tingin sa kanan. Nakabukas ang itim na kurtina sa glass wall kaya naman kitang-kita ko ngayon ang maliwanag na siyudad. Atsaka na naman pumasok sa isipan ko ang panaginip ko kanina lang. Si Doctor Jasbeer Gun Vergara...

I bet sa ganitong oras ng gabi... gising pa siya. Baka nakatanaw siya ngayon sa maliwanag na city lights habang nag-iisip. How I wish... ako ang laman ng isipan niya.

***
Jasbeer Gun POV

The city lights are like stars that went down from the sky. It also looks like a reflection of the sea of stars from above. I know someone who would probably cry kapag nakita niya 'to. Or maybe right now, at this moment... nakatingin din siya dito.

What am I thinking?

I heave a deep sigh as I tried my best to erase her again from my damn mind. And of course... I didn't succeed. I looked around my empty house. I can't believe that there was actually a time when this place was.. a mess because of her. A good mess. I wonder... kailan kaya magiging ganoon ulit itong lugar na ito? Will there be a time na maibabalik ko ang mga araw na 'yon?

I put down the glass of liqour in the small table beside me and was about to walk pass it when I noticed the small black box at the center.

Mhadz...

***
Princess Marj POV

Saktong ala-sais ng umaga ako sinundo ni Ate Meddilyn at Kuya Gordon para sa photoshoot ko sa isang commercial ng de lata. Si Ate Meddilyn ang nagsisilbing hair and make-up artist ko. Siya rin ang nakatoka sa mga isinusuot kong damit, sapatos at mga burloloy. Siya ang palagi kong nakakasama madalas kaya naman para ko na siyang totoong Ate kung tutuusin.

She's Half Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon