Chapter 19

2.3K 90 19
                                    

Chapter 19
#DissociativeIdentityDisorder

Nakakahiya!

Nakakahiya!

Nakakahiya!

Lalo kong ibinaon ang mukha ko sa kama nang marinig ko ang nakakabwiset na tawa ni Multong iyakin. Kama, lamunin mo na ako please!

“Nai-imagine ko ang 'itsura ni Doc Pogi nang maamoy niya ang utot mo, sis! Akala niya siguro may patay na daga sa kotse niya!” Hindi talaga niya ako tatantanan sa pang-aasar eh!

Bumangon ako at hinarap ko ang nakakabwiset na white lady na walang humpay sa pagtawa! Tiningnan ko siya ng masama.. as in masamang masama talaga. Tipong masusunog siya sa titig ko.

Mukhang nakaramdam naman ang bruha dahil unti-unti.. tumigil na din siya. Kinagat niya ang labi niya at ngayon ay parang maamong tupa na pinag-aalign ang dalawang hintuturo niya habang umiiwas ng tingin sa akin.

“Kung hindi mo isinupalpal sa akin 'yung lintik na expired na tinapay...” Napalunok ako. Pagkatapos ay ibinukas ko ang bibig ko para duksungan ang sermon ko, pero para bang may kung anong pumipigil sa dila ko ngayon!

Napapikit na lang ako sa sobrang inis at kasabay nu'n ang pagsabog ulit ng tawa ni Multong iyakin! Leche! Kulang na lang ay magpagulong-gulong siya sa sahig!

Hindi ko tuloy napigilan na umirit. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumalik sa pagkakahiga sa kama at magpapadyak na lang para mailabas ko kahit papaano ang halo-halong emotions na pumapatay sa akin ngayon.

***
Flashback
Last night

Kung p'wede lang mag-play dead dito sa kotse niya, nagawa ko na. Buong biyahe hindi ako makatingin kay Doctor Jasbeer. Mabuti na lang at walang traffic, mabilis kaming nakauwi sa condominium.

Para akong naligo sa pawis kahit na ang lamig-lamig naman ng paligid. Sa elevator, namimilipit ako sa sobrang sakit ng tiyan ko lalo na kapag humihilab. Sapo-sapo ko ang tiyan at p'wet ko at tila ba wala na akong pakialam na kasama ko ngayon si Doctor Jasbeer. Ang mahalaga lang para sa akin ay marating ko na ang trono na isinisigaw ng p'wet ko ngayon. Torture para sa akin ang mabagal na pagpalit ng numero sa itaas ng elevator. Hanggang sa makarating din sa wakas ang lintik na elevator sa 15th floor.

Para akong si flash sa sobrang bilis kong lumabas mula sa elevator. Sa sobrang taranta ko ay pamali-mali ang pindot ko sa passcode ng pinto! Pero.. may nagligtas sa akin. Si Doctor Jasbeer ang pumindot ng passcode para mabuksan ang pinto ng unit niya.

She's Half Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon