Chapter 7
#KalahatingBaliwPrincess Marj POV
'Ganitong oras ka ba talaga gumigising? Just to remind you, ikaw ang maid at ako naman ang boss mo! Don't you think it's just common sense na ikaw dapat ang maunang gumising sa atin' dalawa? Anong gusto mo? Ipaghanda pa kita ng breakfast? Use your head! Hindi 'yang dinidisplay mo lang sa katawan mo! Kung alam ko lang na hindi ka naman pala efficient, I shouldn't have hired you! Ni hindi ko man lang nahawakan ang profile mo! Where is it? Wala? Listen, the moment I step my foot in here pag-uwi ko, make sure na may maipapakita ka na sa akin na resume mo! Or else papalitan kita!'
Kahit na kanina pa siyang 8am nakaalis, paulit-ulit ko pa rin na naririnig ang sermon niya sa akin. Oo na, kasalanan ko naman talaga eh. Mga bandang alas-tres ng madaling araw na kasi ako nakatulog, kaya tinanghali ako ng gising. Namamaga pa nga ang mga mata ko eh.
"Hoy babae! Bakit ba kasi hindi mo ako ginising? Ayan tuloy sermon ang almusal ko! Unang araw ko pa naman ngayon, tapos bad shot agad!" Pinagpag ko ang throw pillow sa tapat ng mukha ni Multong iyakin. Badtrip 'tong babaeng 'to! Walang pakinabang!
"Malay ko ba na tatanghaliin ka ng gising! Alam mo sis, ang daming papabols sa gym nitong condominium kanina! Ang aga nilang magdisplay ng abs!" Ni hindi man lang siya natinag sa pabaligtad na upo niya sa sofa kahit na pinagpagan ko na siya ng alikabok. Nakataas ang dalawang paa niya sa sandalan ng itim na sofa at malapit ng sumayad sa sahig ang ulo niya.
"Paki ko naman sa mga 'yun? Hindi naman nakakain ang mga abs nila!" Tumuwad ako sa tapat ng mukha niya at inilabas ko ang isang matinding hangin na inipon ko kanina pa.
"Yuck! Kadiri ka! Ang baho! Ido-double dead mo pa 'ko sa bagsik ng utot mo!"
Tawa ako ng tawa habang patuloy ako sa pagliligpit ng mga libro na nakapatong sa babasagin na lamesita.
"Ang baboy mo Pimang! I hate you!" Nakatayo na siya ngayon at nanlilisik ang mga mata sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kung magagalit talaga siya sa akin sa ginawa ko. Kahit kasi ako nabahuan talaga sa utot ko. Ilang araw na din kasi akong hindi napapadumi ng ayos kaya ganito.
"Nakikiamoy ka na nga lang nagrereklamo ka pa." Hindi ko talaga mapigilan na hindi matawa sa hitsura ngayon ni Multong iyakin. Diring diri talaga siya. "Teka nga! Nakakaamoy ang mga multo?"
"Hindi, pero alam kong mabaho 'yang utot mo! Kung nandito lang si Doc Pogi nako! Sesante ka na agad sis!" Luka talaga! Hindi naman pala niya naamoy.
Naalala ko tuloy 'yung sinabi sa akin ni Ma'm Vira,
'Don't worry, hindi siya pihikan sa pagkain. Conscious about cleanliness kaya hindi ka mahihirapan sa paglilinis.'
Tama nga siya. Kilalang kilala ni Ma'm Vira ang apo niya. Kanina kasi bago umalis si Doctor Sungit, isang katerbang bilin ang sinabi niya sa akin.
'Ayokong makakita ng alikabok lalong lalo na sa kwarto ko. Since may stock foods pa sa ref, sa darating na week end na lang tayo mag-go-grocery. Hindi ko pwedeng ipagkatiwala sa 'yo ang pamimili mag-isa, that's why kasama ako. And one more thing, h'wag na h'wag kang magpapapasok ng ibang tao dito, without my permission. Do you understand?'
BINABASA MO ANG
She's Half Crazy [COMPLETED]
Fantasy(Jasbeer Gun Vergara's story) COMPLETED 'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.' Author: AC Ramos (sayonara_chinji)