Chapter 6

2.3K 117 9
                                    

Chapter 6
#TulogNa

"What are you doin' here?" 'Yung makakapal niyang kilay halos magsalubong na. Hindi naman halata na ayaw niya akong makita, ano?

Kung alam niya lang na pareho kami ng nararamdaman ngayon!

"Dito ka nakatira?" Sinisilip ko ang loob ng unit niya, pero bago pa ako makatanaw sa loob ay agad siyang humarang sa harapan ko!

"You're the new maid na ipinadala ni Momsy?"

Momsy? Sinong..ah! Baka si Ma'm Vira ang tinutukoy n'ya. Teka! Kung si Ma'm Vira nga ang tinutukoy niya, ibig sabihin siya ang 'apo' na pagsisilbihan ko? Isang Doctor na masama ang ugali? Hindi spoiled brat na six years old?

"Ikaw ang apo niya? Ikaw ang may-ari ng unit na 'to?" Wow! Ang hard naman ng tadhana sa 'kin oh!

"There's gotta be a misunderstanding here. I should call her." May dinukot siya sa bulsa niya na cellphone.

Ano pa nga bang aasahan ko? Syempre hindi niya ako tatanggapin agad-agad!

Habang busy siya sa pagtawag sa Momsy niya, pasimple akong sumilip sa loob ng Unit. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita kong nakahiga sa sofa si Multong iyakin, habang kumakaway pa sa akin ngayon! Luka-luka talaga ang babaeng 'yun!

"She's not answering. Anyway, I'm sorry hindi kita matatanggap na maid. You used to be my patient, maiintindihan mo naman siguro kung bakit. You should go home."

"Teka--" Muntik ng sumubsob ang mukha ko sa pinto niya! Grabe! Tama bang pagsaraduhan na lang ako ng ganun-ganun na lang?

Shete! Paano na 'yan? Akala ko pa naman magkakatrabaho na ako! Pera na nga, naging bato pa! Ano nang gagawin ko?

Kahit na ayaw ko tuloy umalis, 'eto ako ngayon parang timang na naglalakad pababa. Badtrip naman kasi! Sa dami ng tao dito sa Pilipinas, bakit kailangan na 'yung Doctor na 'yun pa ang apo ni Ma'm Vira? Paano na ako ngayon?

Naupo muna ako sa gilid ng building pagkalabas ko. Ang sama pa nga ng tingin sa akin nu'ng gwardiya eh! Hindi ko na lang siya pinansin.

"Sayang! Ang ganda ng condo niya! Amoy mayaman!"

Sinamaan ko ng tingin ang white lady na katabi ko na ngayon. Para talagang kabute 'tong babae na 'to! Bigla-bigla na lang sumusulpot! Kung may sakit lang ako sa puso, siya ang papatay sa akin!

"Aanhin ko naman ang amoy mayaman na condo, kung amoy basura naman ang ugali ng Doctor na 'yun?"

"May point ka. Pero sis, ang yummy niya! Nakita ko kanina 'yung abs hitik na hitik! Ang sarap pitikin!"

"Ewan ko sayo!" Hinubad ko na lang muna ang bagpack na suot ko at kinalong ko muna. Medyo nangangalay na kasi ang mga balikat ko.

"So paano na? Maghahanap ka na lang ba ng ibang work work work work work?"

"Sinong may sabi? Maghihintay ako dito. Nakita mo naman kanina 'di ba, hindi niya makontak si Ma'm Vira. Ibig sabihin, may chance pa ako. Tingnan mo, mamaya lang 'yung masungit na Doctor na 'yun mismo ang susundo sa akin dito! Nararamdaman ko eh! Kailangan ko lang manalig."

"May point ka. Kaya lang baka magshower ka na dito ng ulan, hindi pa rin dumadating si Pogi."

Napatingala tuloy ako. Medyo dumidilim na nga ang buong kalangitan.

***
Jasbeer Gun POV

She was sitting on the ground outside the condominium. Hindi pa rin siya umaalis. I already told her that I can't accept her as my maid, so it's not my business anymore kung anong ginagawa niya pa dito.

She's Half Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon