Chapter 22

1.9K 84 13
                                    

Chapter 22
#SanaMaliAko

"Akala ko ba okay ka lang? Anong iniiyak-iyak mo diyan? Alam mo sis, okay lang naman na umiyak ka. Ilabas mo lahat! Walang pumipigil sa'yo. Isa pa, normal lang ang maiyak sa situation mo. Kung ako nga ang nasa kalagayan mo, malamang sa harapan pa mismo ako ni Doc Pogi nagngangangawa! Tapos pasasabugin ko ang uhog ko sa harapan ng makintab na mukha ng Mhadz na 'yun!"

Marahas kong pinunasan ang basa kong pisngi at mata gamit ang braso ko, pagkatapos ay ipinagpatuloy ko na ulit ang pagboblower sa sahig ng banyo. Bakit ko nga ba ginagawa ito? Porque katulong ako ni Doctor Jasbeer Gun Vergara na may-ari nitong unit, katulong na rin ba ako ng mag-ina na nakikitira lang naman dito? Kailangan ko rin bang sundin lahat nang i-uutos ng babaeng 'yun? Naalala ko tuloy lahat ng bilin niya sa akin kanina bago sila umalis ng anak niya.

'Princess, right? Princess.. do you even know the basic when it comes to maintaining the safety and cleanliness sa comfort room? My Ghad! Muntik nang madulas ang anak ko, dahil sa pinabayaan mong basa ang sahig ng cr! I know na nasanay kang mag-isa ka lang na gumagamit nu'n, because Jasbeer have his own sa loob ng kwarto niya, but it's different now! Please.. ayoko na ulit makitang basa ang floor na 'yun.'

'Yan ang dahilan kung bakit para akong timang ngayon, pinapatuyo ang lintek na sahig ng banyo gamit ang blower na dapat ay ginagamit lang sa buhok ng tao.

'Palitan mo 'yung bed sheet ng kama namin. Cheen has a very sensitive skin, nangangati siya kagabi, dahil sa alikabok. Also the pillowcase and blanket, parang masyadong matagal na 'yung nakatago sa stock room. I don't like the smell. Kung maglalaba ka, please use a detergent na hindi matapang ang scent.'

Kakapalit ko pa lang nu'n lahat kagabi, tapos papalitan ko ulit? Ang arte naman ng mga balat nila! Ganu'n ba talaga kapag mayaman? At isa pa, ang bango kaya ng detergent na gamit ko!

'Cheen has a tendency to sleepwalk. Make sure na walang nakakalat na pointed and sharp things, para hindi siya masaktan. I noticed na medyo slippery ang floor dito sa living room, gawan mo rin 'yun ng paraan. 'Yung curtains nga pala sa kwarto namin, masyadong madilim ang color. Palitan mo ng white.'

Bakit hindi niya sinabi sa akin kung anong gagawin ko para matanggal ang pagiging madulas ng sahig sa salas? Eh kung 'yung panga niya kaya ang gawin kong bunot? Baka sakaling maging magaspang! Tapos palitan ko daw ng puti 'yung kurtina nila sa kwarto? Eh ang taas-taas kaya nu'n! Paghahanapin pa niya ako ng hagdan!

She's Half Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon