Chapter 25
#PangarapNaNakukublihanNgUlapMultong Iyakin POV
“Huli ka balbon! Taya ka na--”
“Manahimik ka d'yan!” Hinawakan ko ang palakol sa ulo niya at mas idiniin pa ito, baka sakaling madouble dead ko siya at masulat pa ako sa history ni San Pedro!
“Aray! Aray! Aray! Ano ba?!” Ang ingay talaga!
“Hindi mo ititikom 'yang amoy patay na dagang bibig mo?! Ipakagat ko sa aso 'yang dila mo eh!”
Umayos naman na siya at tumigil sa kakangawa nang bitawan ko ang palakol niya. “Ano bang pinapanood mo? May artista ba?”
“Wala. Naaawa lang ako sa kanya.” Nakaalis na si Doc Pogi at mag-isa na lang sa ulanan si Pimang. Kahit na patay na ako, pakiramdam ko ay may puso pa rin ako ngayon, dahil nasasaktan ako sa drama nila kanina. Hay life! Napaka-unpredictable talaga!
“'Yung babaeng may hawak na itim na payong? Eh 'di ba kaibigan mo 'yun? Bakit ka naman naaawa sa kanya?”
“Mas pinili n'ya kasing lumayo sa mahal niya, para lang mailigtas niya ito sa kamatayan.”
“Ah.. hindi lang pala maganda ang kaibigan mo, busilak pa ang puso niya. Hindi mo dapat siya kaawaan. Ang tapang-tapang niyang tao para magdesisyon ng ganoon. Sa isang daan at limampung taon ko nang naririto, bihira lang akong makatagpo nang ganoong klase ng tao. Hindi kinaaawaan ang tulad niya, hinahangaan mo dapat siya. Kalimitan na kasi sa mga tao ngayong panahon na ito, lalo na 'yang mga tinatawag nilang 'millennials' kuno, naku eh sobrang makasarili! Kapag umibig, gusto parating katabi! Konting kibot.. miss agad si ganito, miss agad si ganyan! Aba, kokontakin sa messenger si jowa, papupuntahin sa bahay kasi nag-out of the town ang magulang! Ayun, naaksidente si jowa sa sobrang kalandian! Pero s'yempre nakapagpost pa muna siya sa IG ng selfie niya bago malagutan ng hininga! Ito namang si babae, magseselfie nang naiyak! Hakot likes at comments! Instant peymus si ateng! Ang hindi niya alam, kung hindi umiral ang pagiging malandi niya noong araw na iyon at hindi niya pinapunta sa bahay si jowa, eh 'di sana buhay pa si lalaki!”
Hanep! Ang galing nitong story teller! Nahipan na yata ako ng masamang hangin at hindi ko na matikom ang bibig ko sa sobrang paghanga sa kanya.
***
Princess Marj POV“Hija? Okay ka lang ba?”
Pinilit kong patigilin ang sarili ko sa pag-iyak, pero hindi ko magawa. Kaya naman hinarap ko na lang si Sister Marie kahit na humahagulhol pa rin ako.
“Naku, ano bang nangyari, hija? Bakit ka umiiyak? Halika! Doon tayo sa loob ng kumbento! Lumalakas na ang ulan, baka magkasakit ka!”
Ni hindi na ako nakapagsalita. Sumama na lang ako kay Sister Marie, papunta sa kumbento na nasa gilid lang ng simbahan.
Nang nasa loob na kami ay pina-upo niya ako sa isang plastic na silya at agad na ikinuha ng tuwalya. Ibinigay niya ito sa akin, dahil kahit nakapayong na ako kanina ay nabasa pa rin ako ng ulan. Lalo na ang ulo ko. Umupo si Sister Marie sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.
Alam kong gusto niyang magtanong, pero nanatili lang siyang ganoon, tahimik. Hinayaan niya akong umiyak, hanggang sa medyo napatigil ko na sa pagtulo ang mga luha ko. 'Tsaka lang nagsalita si Sister Marie.
“May masakit man na pangyayari sa buhay mo ngayon, sigurado akong nakangiti pa rin sa'yo mula sa itaas ang Panginoon. Alam mo kung bakit?”
Bahagya akong umiling bilang sagot sa tanong niya. Hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit ngingiti pa rin sa akin ang Diyos sa ganitong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
She's Half Crazy [COMPLETED]
Fantasy(Jasbeer Gun Vergara's story) COMPLETED 'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.' Author: AC Ramos (sayonara_chinji)