Chapter 27

1.9K 91 27
                                    

Chapter 27
#TaguanTagpuan

"You're telling me na hindi mo alam na ipina-schedule ka ng Manager mo for a consultation?"

Alam ko ang ibig sabihin nang magkasalubong niyang mga kilay ngayon. Naiirita siya. Shete! Naiirita siya sa akin! Ang tagal naming hindi nagkita tapos... tapos ganito pa ang mangyayari?! Ano ba naman 'yan Pimang!

"Ms. Princess Marj Malone?" Bakit ganu'n? Bigla siyang naging formal masyado! Kanina lang nang pagbuksan ko siya ng pinto ay tinawag pa niya akong 'Princess' lang, tapos biglang magshi-shift sa formal? Nagbago na ba siya? Nagbago na ba ang nararamdaman niya para sa akin dahil sa sobrang tagal naming hindi nagkita?

Paano na ako? Este—Napaka-assumera ko na naman pala! Hindi pa rin talaga ako nilulubayan ng ganitong pakiramdam!

Sa biglaan niyang pagtayo ay kusang napatayo rin ako.  Aalis na ba siya?

"Anyway... it's nice seeing you again." Aktong aalis na siya, kaya naman bigla na lang akong nataranta at napakapit sa dulo ng sleeve niya.

Ngayon... ginawa ko pang mas awkward ang sitwasyon. Ang eng-eng mo talaga Pimang!

Nakatitig siya sa kamay ko na pumipigil sa kanya sa pag-alis. Para bang... iniisip niya kung anong ibig sabihin ng action ko na ito.

Pakiramdam ko ay painit ng painit dito sa apartment at kung magtatagal pa kami sa ganitong scene ay baka tuluyan na akong matunaw! Hindi ko na natagalan ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa kaya agad din akong bumitaw sa kanya.

"What was that? Do you want me to stay or leave?" Ang mga mata niya... para bang idinidikta sa akin na sabihin kong 'h'wag siyang umalis'.

Agad kong itinago sa likuran ko ang mga pasaway kong kamay at umiwas din ako sa nakakahypnotized niyang mga mata.

"Leave. Hindi ko kailangan ng doctor, kasi hindi naman ako baliw." Ayoko nang tumingin sa mga mata niya hanggat maaari, dahil baka hindi ko na kayanin at bumigay na ako.

"Ms. Malone, please refrain from using the word 'crazy'. Having a consultation from a Psychologist doesn't mean that you are crazy." Rinig ko ang pagbitaw niya ng malalim na paghinga bago niya ipinagpatuloy ang pagsasalita. "It seems like nakaistorbo ako sa ginagawa ni'yo. I should go."

Gusto ko sanang pigilan ulit siya, pero ako na rin mismo ang pumigil sa akin, sa pasaway na sarili ko. Kagat-kagat ko ang labi ko at nakayukom ang mga palad ko para lamang mapigilan ko ang sarili ko na tawagin o 'di naman kaya ay hawakan na naman siya. Pinanood ko kung paano siya lumabas ng apartment ko, kung gaano kabilis maglaho ang anino niya. Sa muling pagkakataon, naramdaman ko na naman ang pamilyar na sakit dito sa bandang dibdib ko. Dito sa loob. Para bang may pumipiga sa puso ko. Nasasaktan akong makita siyang umalis na naman. Pero sa palagay ko... ang mas ikinasasakit nitong puso ko ay ang ginawa kong pagtaboy na naman sa kanya. Itinaboy ko na naman siya palayo sa akin.

"Bunso? Magkakilala kayo? 'Di ba't si Doctor Crush mo 'yun? Siya 'yung ninakaw mong standee, 'di ba?" Sa sunod-sunod na tanong na iyon ni Kuya Gordon, ang tanging nagawa ko lang ay ang sulyapan ang standee na nakatalikod sa pinakasulok nitong salas.

"History. Kahit sa school 'yan talaga ang pinaka-complicated na subject." Hindi ko alam kung bakit nasabi iyon ni Ate Meddilyn sa mga oras na ito. Sinundan ko na lang siya nang tingin habang nililinis niya ang mga nagkalat na pagkain sa sahig.

"Mathematics kaya!" Angal naman ni Kuya Gordon.

"Manahimik ka nga d'yan! H'wag kang sumabat kung hindi mo alam ang tinutukoy ko!"

"Hay! Kahit kailan talaga napakakomplikado niyong mga babae!"

"At kayo namang mga lalaki, napakamanhid!"

She's Half Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon