Chapter 9

2.1K 106 27
                                    

Chapter 9
#IligtasMoAngPusoKo

Kleb? Kleb kausapin mo naman ako oh.”

Umalis ka na! Iwanan mo na ako dito!”

Paupo na sana ako sa sahig ng cr nang biglang magbukas ang pinto ng cubicle kung saan nasa loob si Klebsiella, ang nag-iisa kong kaibigan ngayong High School.

Katulad ko ay basang basa din siya mula ulo hanggang medyas ng sapatos. Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit siya nadamay sa pangbubully ng mga kaeskwela namin. Ako lang naman talaga ang dapat masaktan eh, nadamay lang siya kasi kaibigan ko siya at lagi ko siyang kasama.

Kleb--” Hahawakan ko sana siya sa kamay, kaya lang bigla siyang umiwas at lumayo. Bakas sa mga mata niya ang galit at pandidiri sa akin.

Baka nga tama sila, Princess. Baliw ka na siguro. H'wag mo na akong lapitan please. Lumayo ka na sa akin. Simula ngayon, hindi mo na ako kaibigan.”

Hindi ko man lang siya nagawang habulin at pigilan. Ang sakit. Masakit na 'yung nag-iisang taong malapit at nagtitiwala sa 'yo ay bigla na lang umalis at magdesisyon na layuan ka.

Sa panahon na 'yun, hindi ko siya masisisi, pero ang mas nagpasakit pa ng sitwasyon ay 'yung malaman ko na lang na tuluyan na siyang nagbago.

Ibuhos mo na sa kanya Klebsiella! Makaganti ka man lang sa mangkukulam na 'yan!” Sigaw ni Lauren, ang anak ng Principal nitong school.

Sige na girl! Baka may dumating pang teacher dito!” Pati si Cashie na President sa klase namin, kabilang sa grupo nila.

She's Half Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon