Chapter 14
#PagdududaThird Person POV
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kutsilyong balot ng dugo ng maling tao. Bahagyang nangingilid ang mga luha sa kanyang matatalim na mata. Puno ng galit at paghihiganti ang isinisigaw ng matigas niyang dibdib. Hindi na naman siya nagtagumpay. Nasira ang matagal na niyang pinaplano ng dahil sa isang babae. Isang babae na parating humahadlang sa lahat.
Gamit ang galit na natitipon sa kanyang buong katawan at pagkatao, buong lakas niyang inihagis ang kutsilyo sa malalim na karagatan.
Naalala niya ang unang beses na nakialam ang misteryosong babae sa plano niya. Kumuha siya ng utusan upang barilin sa Lion Hotel si Dr. Jasbeer Gun Vergara, ngunit humarang ang misteryosong babae at ito ang nahagip ng bala. At sa pangalawang pagkakataon, hindi niya matanggap na napigilan na naman ang kanyang planadong pag-atake.
Matamang tinitigan niya ang nanginginig niyang mga kamay na nababalot ng itim na telang gloves na may bakas pa ng sariwang dugo. Pagkaraan ay hinubad niya ito na para bang diring-diri at inihagis na lang basta sa madilim na karagatan. Hinubad niya ang itim na telang tumataklob sa kanyang bibig at ilong. Ibinuka niya ang kanyang bibig at naglabas ito ng isang malalim na hininga. Tumingala siya at ibinaling ang tingin sa maliwanag na buwan. Tila ba sinisisi nito ang buwan sa paraan n'ya ng pagtitig dito.
“Sino ka para sirain ang plano ko?” Mahinahon niyang tanong sa kawalan, ngunit bakas dito ang inis. “Sino ka para sirain ang plano ko?!” Sa pagkakataon na ito ay buong lakas niyang isinigaw ang tanong na 'yun na punong-puno ng galit.
***
Princess Marj POV'Nay? Nay isasama ni'yo na po ba 'ko? Nay h'wag ni'yo na po akong iwan! Sasama na ako sa inyo!'
Pilit kong ina-abot ang kamay niya, ngunit sa tuwing lalapit ako, palayo siya ng palayo sa akin. Unti-unti.. naglalaho na naman siya na parang usok.
'Nay! Isama ni'yo na po ako!' Kahit na anong bilis ng takbo ko, hindi ko siya maabutan. Hindi ko siya magawang hawakan.
Hanggang sa mapagod na ako. Ramdam ko ang hapdi at sakit sa aking tagiliran. Dumudugo! Walang tigil ang pag-agos ng dugo mula dito! Ibinalik ko ang tingin kay Nanay. Tanging mukha na lamang niya ang nakikita ko. Umiiling siya sa akin. Patuloy ang pag-iling niya hanggang sa mawala na siya ng tuluyan.
Kahit gustuhin kong tumakbo, hanapin si Nanay at habulin siya, hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nanghihina at may kung anong humihigop ng lakas ko.
BINABASA MO ANG
She's Half Crazy [COMPLETED]
Fantasía(Jasbeer Gun Vergara's story) COMPLETED 'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.' Author: AC Ramos (sayonara_chinji)