Chapter 5

2.6K 114 17
                                    

Chapter 5
#Kulit

"Nagsimula ang lahat noong naaksidente ako. Ako lang daw 'yung pasahero ng jeep na tanging nakaligtas. Siguro may koneksyon du'n sa nangyaring aksidente kaya ako nagkaganito, pero hindi pa ako sigurado."

"Tell me, anong klaseng super power mayro'n ka?" Yung reaksyon sa mukha niya, hindi nagbabago simula noong pumasok ako dito sa loob ng office niya. Maniniwala kaya s'ya sa 'kin?

Nilunok ko muna ang naipon na laway sa bibig ko bago 'ko ipinatong ang mga siko ko sa table niya. Hindi siya natitinag.

"Sa tuwing madadampi ang balat ko sa kahit na sinuman' tao, nakikita ko kung paano sila mamamatay." Deretso ang tingin ko sa mga mata niya. Ni hindi siya kumukurap.

"Ms. Malone, nababaliw ka na. Isa kang baliw!" Napuno ng halakhak niya ang buong office. Wala akong ibang marinig kung hindi ang nakakapanliit niyang tawa.

"Hindi!" Tumayo ako at taklob-taklob ko ang dalawa kong tainga dahil sa nakakabingi niyang tawa. Akala ko maiintindihan niya ako! Akala ko mapagkakatiwalaan siya dahil sa isa siyang professional!

"Ms. Malone? What do you mean by hindi? I'm asking you kung anong super power mayro'n ka."

"Ha?" Shete! Iniisip ko lang ba 'yun lahat? Ano ba naman 'yan Pimang! Nananaginip ka ng gising! Baliw ka na nga! Baliw!

Napakamot ako sa batok at dahan-dahan akong bumalik sa pagkaka-upo. Hindi tuloy ako makatingin ng deretso sa kanya.

"Sabihin mo na girl! Go!" Napatingin ako kay multong iyakin. Kasalukuyan siyang nagmamasid sa mga paintings na nakasabit sa dingding nitong office.

"Ang totoo n'yan Doc, gawa-gawa ko lang 'yun. Natrip-an ko lang talaga na magpatingin dito kasi.. kasi sabi nila gwapo daw 'yung Doctor. Pero ngayong nakita ko na po kayo okay na 'ko! I-rerecommend ko itong clinic niyo sa mga kaibigan ko."

"Wala kang kaibigan." Comment ni Multong iyakin. Hindi ko na lang siya pinansin. Mabuti na lang talaga multo siya at hindi siya naririnig nitong gwapong Doctor na 'to. Kung hindi nako! Sasabunutan ko talaga siya! Ngayon lang magkakaroon ng white lady na kalbo!

"Ms. Malone, hindi mo dapat ginagawang biro ang pagpapatingin sa Psychologist. Now tell me, what is it that you want?" Nakakahypnotised 'yung boses niya. Hindi ko mapigilan na hindi tumingin sa mga mata niya. May magic ba siya?

"Nakakahiya man pero pumunta ako dito para humingi ng refund." Hindi ako makapaniwala na ang kapal pala talaga ng mukha ko.

Hindi niya tinatanggal ang tingin sa 'kin. Sa mga mata ko. Pinindot niya ang telepono at tinawagan si Nurse Cruz.

"Take her out." Ano daw? Take.. out? 'Di ba 'yun 'yung sinasabi sa Jollibee kapag ipapabalot mo 'yung in-order mo? Ibig sabihin..

Bago pa ako makapag-isip ay nakapasok na sa loob si Nurse Germaine at hawak-hawak na ako sa braso. Ilalabas pala niya ako! Leche! 'Yun pala ang ibig sabihin niya!

"Teka! 'Yung pera ko!" Kumakawala ako sa pagkakahawak niya sa akin pero masyado siyang malakas!

"I hate wasting time. Ilabas mo na 'yan." Narinig kong sabi ng Doctor.

Tiningnan ko siya ng masama. 'Yung tipong kulang na lang may lumabas na apoy sa mga mata ko at masunog siya hanggang maging abo! Gwapo nga, ang sama naman ng ugali! Tiningnan ko ang babasagin na name plate na nakapatong sa table niya. 'Doctor Jasbeer Gun Vergara' pala huh! Tatandaan ko 'yang pangalan mo! Ipapa-trending kita sa social media! Kapag ako naging isang sikat na artista na at malawak na ang impluwensya sa mga tao, sisiraan ko 'tong clinic mo! Para refund lang ayaw pang ibigay! Pinagdadamot pa! Eh hindi na nga ako nagpa-counsel dahil alam kong sasabihan niya lang ako na baliw!

She's Half Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon