Chapter 20
#SecretsThird Person POV
Habang pinagmamasdan ni Jinoviane ang kanyang kabuuan sa harapan ng isang malaking salamin, unti-unting gumuhit sa kanyang mga labi ang isang mapangahas na ngiti. Ngiti na nauwi sa tahimik na hagulhol. Nasasaktan siya. Ramdam na ramdam niya ang kirot sa kanyang dibdib na para bang may pumipiga sa kanyang puso. Ang kirot na iyon ang nag-uudyok sa kanya na ipagpatuloy ang kung ano mang kanyang nasimulan na. Hindi siya maaaring tumigil, dahil hindi pa rin nawawala ang sakit na ugat ng lahat. Hanggat nakatanim at nabubuhay ang kirot sa iyon, ipagpapatuloy niya ang laban. Ipagpapatuloy niya ang kung anong inaakala niyang tama, kahit na mali ito sa mata ng batas at ng mga taong mapanghusga. Para sa kanya, ito lang ang maaari niyang gawin, upang kahit papaano ay mabawasan ang sakit na itinamin ng nakaraan sa mahina niyang puso.
***
16 Years Ago...“Tay tama na! Tay! Nasasaktan na si Nanay! Tama na po!” Pilit na hinaharangan ni Jinoviane ang kanyang kawawang Ina sa malalakas na paghampas ng makapal na lubid mula sa kanyang lasing na Ama. Ngunit hindi siya nagtagumpay, hinawakan siya ng kanyang Ama sa kwelyo at parang isang papel na inihagis palayo. Naghulugan sa sahig ang mga kagamitan na nakapatong sa ibabaw ng lumang drawer, dahil sa lakas ng pagkakatama ni Jinoviane dito.
Hindi lamang ito ang unang beses ng pananakit ng kanyang Ama. Halos gabi-gabi pag-uwi nito ay ganito ang nagiging eksena sa loob ng kanilang maliit na bahay. Bakas sa luhaang mga mata ng kanyang Ina ang takot at sakit na nararamdaman nito. Nanginginig ang buong katawan habang sapo-sapo ang pisngi na ngayon ay unti-unti nang nalulusaw, dahil sa isinaboy na asido sa kanya.
Pinipilit ni Jinoviane na tumayo, ngunit nangibabaw ang sakit sa kanyang likuran. Tila ba nabalian siya ng buto at hindi na makagalaw. Napasigaw na lang siya nang makita niyang sinasakal na ng kanyang Ama ang kanyang walang kalaban-laban na Ina, gamit ang matibay na lubid. Sinubukan niyang gumapang upang pigilan ito, ngunit bago pa siya makalapit ay huli na ang lahat.
BINABASA MO ANG
She's Half Crazy [COMPLETED]
Fantasy(Jasbeer Gun Vergara's story) COMPLETED 'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.' Author: AC Ramos (sayonara_chinji)