Chapter 24
#LuhaSaLikodNgMaskarangNakangitiKasalanan ko! Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko kung bakit nagkaganoon si Doctor Jasbeer!
Kanina pa ako palakad-lakad at hindi mapakali dito sa salas magmula nang maturukan ni Mhadz si Doctor Jasbeer at dinala niya sa kwarto para makapagpahinga. 'Yung ilang minuto na lumipas, pakiramdam ko ay napakatagal. Sa sobrang tagal nito ay para na akong pinapaso dito sa pag-aalala.
Napatigil lang ako nang lumabas na sa kwarto si Mhadz. Marahan niyang isinara ang pinto at nang humarap siya sa akin ay bakas ko sa mukha niya ang labis na galit. Galit, na alam kong umaapaw na ngayon sa dibdib niya at kahit anong oras sa ngayon ay ilalabas niya ito sa kanyang bibig. Pero kahit na ganoon ang reaksyon niya ngayon, hindi ko pa rin napigilan na magtanong.
"Ma'm Mhadz, ano na pong lagay ni Doctor Jasbeer? Okay na po ba siya?"
Tumaas ang isang gilid ng labi niya at kitang-kita ko kung paano gumulong ang mga mata niya mula sa akin, papunta sa ibang direksyon. Pagkaraan ay ibinalik niya sa akin ang mga ito. "I can't believe you're asking me those questions. Hindi ko alam kung ignorante ka lang ba talaga.. o tanga, pero sige, makinig ka." Huminga siya ng malalim at hindi man lang kumukurap habang nakatitig sa akin. "May severe allergy siya sa mushroom. Muntik mo na siyang mapatay, Princess! You almost killed him! You almost killed my man! Bakit kailangang ipilit mong kainin niya ang niluto mo? For what, huh? To fulfill your daydream satisfaction? What if hindi ako agad dumating? I don't even want to think about, kung anong mangyayari kay Jasbeer because of you! Your carelessness.. wala 'yung maidudulot na mabuti kay Jasbeer. Hindi ka dapat nandito. Hindi ka dapat nasa tabi niya. From the first moment I saw you, wala na talaga akong tiwala sa'yo. And you know what? You just gave me enough reason para.. para paalisin ka ngayon."
Tatlong hakbang palapit sa akin. Ni hindi ko man lang magawang magsalita. Tila ba magkadikit na ang dalawa kong labi at umurong na ang dila ko, dahil sa mga sinabi niya.
"Princess, p'wede bang umalis ka na lang? Umalis ka ng tahimik ngayong gabing 'to. Kung p'wede lang sana.. h'wag ka nang magpapakita pang muli. Please lang."
Para bang hindi na ako makaalis sa kinatatayuan ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Sinagi na nga ako ni Mhadz sa balikat pagdaan niya, pero nanatili pa rin akong nakatayo dito na parang estatwa.
Bakit ganu'n? Bakit kumikirot ang dibdib ko ngayon? Muntik ko nang mapatay si Doctor Jasbeer? Muntik ko na siyang mapatay?
Gusto ko sanang masilayan muna kahit sandali lang si Doctor Jasbeer, pero hindi ko magawang makalapit sa pinto ng kwarto niya. Siguro dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon kaya hindi ako makakilos ng ayon sa gusto ko. Siguro sa sobrang bigat ng mga sinabi sa akin ni Mhadz, kaya ako nagkakaganito. Siguro.. naduduwag ako, dahil muntik ko na siyang mapatay. Muntik ko nang mapatay ang lalaking sobrang pinakaiingatan ko.
Marahas kong pinunasan ang mga basang pisngi at mata ko, bago ako nagtungo sa storage room kung saan naroon ang mga gamit ko. Tama nga si Mhadz. Tama siya na dapat ay umalis na lang ako ngayon. Nandito na siya sa tabi ni Doctor Jasbeer. Mas maaalagaan niya ito, kumpara sa nagagawa ko.
BINABASA MO ANG
She's Half Crazy [COMPLETED]
Fantasy(Jasbeer Gun Vergara's story) COMPLETED 'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.' Author: AC Ramos (sayonara_chinji)