Chapter 4

2.6K 114 17
                                    

Chapter 4
#Pighati

Wala na sila. Iniwan na nila ako. Hindi na dapat ako umalis pa kanina sa bahay. Hindi ko na sana inuna ang sarili ko. Kung nandoon lang sana ako noong nangyari ang pagsabog ng bomba na iniwan ng pasyente ni Lolo Esing, sana kasama ko pa rin sila ngayon. Sana magkakasama pa rin kaming lahat. Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit sila namatay, dahil wala akong ginawa noong nakita ko ang pangitain ng kamatayan nila. Pinawalang bahala ko lamang 'yun, dahil akala ko hindi naman talaga mangyayari, hindi magkakatotoo.

Ang tanging magagawa ko lamang ngayon ay ang pagmasdan silang tatlo na nakabalot ng puting tela habang nakahiga sila dito sa loob ng morgue. Ni hindi ko kayang tingnan ang mga mukha nila, dahil nahihiya ako. Nahihiya ako na wala ako sa tabi nila noong mga oras na 'yun. Sana namatay na lang rin ako. Dapat sumabay na lang ako sa kanila sa pag-akyat nila sa langit, dahil sa palagay ko hindi ko makakaya 'tong sakit. Parang pinipiga ang puso ko at may kung anong mabigat na bagay ang umiipit sa dibdib ko.

"Nay.. ang daya niyo naman eh! Hindi niyo man lang ako nahintay. Bakit niyo ako iniwan Nay? Isama niyo na lang ako please. Ayoko pong mag-isa! La, kunin niyo na rin ako! H'wag niyo akong iwan dito! Hindi ko kaya! Hindi ko po kayang mag-isa! Lolo Esing, 'di ba sabi ko sa inyo ibibili ko pa kayo ni Lola ng malambot na kama. Sino na po'ng hihiga du'n? Paano na 'yung pangako ko sa inyo? Mawawala na lang rin katulad niyo? Nay.. patawarin niyo ako! Patawarin niyo ako, hindi ako naging mabuting anak--"

Pakiramdam ko biglang lumamig ang paligid. Tumayo ako at pinunasan ng marahas ang mga luha ko.

"Nay?" Para akong timang na naghahanap sa bawat sulok ng morgue.

Hanggang sa makita ko na siya. Si Nanay, nakatayo siya sa tapat ng pinto hindi kalayuan sa akin. Nakangiti siya, pero ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya.

Lalapitan ko na sana siya, dahil mga limang hakbang na lang naman ang layo niya sa akin, ngunit bigla siyang nawala. Para siyang usok na naglaho sa hangin. Agad akong lumabas upang hanapin ulit siya, pero napatigil ako sa gitna ng tahimik na hallway ng Hospital. Kasama na ni Nanay sila Lolo at Lola. Lahat sila nakangiti. Sila Lolo at lola kumakaway pa sa akin.

Gusto kong ngumiti, pero hindi ko magawa. Patuloy ako sa pag-iling at pagtakbo papalapit sa kanila habang unti-unti silang naglalaho sa paningin ko.

Hindi ko na sila naabutan. Hindi ko man lang sila nayakap kahit na sandali lang. Hindi ko na sila makikita kahit kailan.

* * *
Jasbeer Gun POV

"I'm actually planning to take her to Disney Land this coming Christmas. I have an idea Jasbeer, why won't you come with us? Sigurado matutuwa si Cheen. Kahit pa-birthday gift mo na rin sa kanya 'yun."

I stopped my car, Vindy. Nandito na kami ngayon sa tapat ng Mercy Hospital. I insisted to take her here dahil hindi naman niya dala ang kotse niya and it's quite late. She was also making a fuss about what happened to her in my clinic a while ago. I know it was an accident na natapunan siya ng kape, but she was so livid about it.

I went out of my car at pinagbuksan ko siya ng pinto.

"I'm sure it will be an exciting trip kung kasama ka. I have a tendency to get bore kasi whenever kami lang ni Cheen ang lumalabas." She continued to talk pagkalabas niya ng kotse.

I closed the door and I noticed na kumukurap ang ilaw sa poste just beside where I parked Vindy. Tumingala ako and my eyes caught another suspicious thing.. or maybe a person. That suspicious person was standing on the edge of the Hospital's rooftop.

"So you're coming with us, right?"

Another hopeless human. Hindi niya alam na after that suicide na gagawin niya, maiiwan naman in misery and extreme sadness ang mga nagmamahal sa kanya.

She's Half Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon