Chapter 15
#MahalKoOMahalAkoPrincess Marj POV
Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan ng lahat, sana nagpatagal pa ako sa Hospital at nagsakit-sakitan. Saan na ako pupunta ngayon? Sa kalsada na naman ba ako pupulutin? Kung bakit kasi.. umasa pa ako na magtatagal ako sa Jasbeer Gun na 'yun! Oo! Hindi ko na siya tatawagin na Doctor, kasi mukhang hindi naman siya Doctor kapag kaharap ako! Naturingan na Psychologist, pero hindi man lang magawang intindihin ang sitwasyon ko o kahit itong feelings ko man lang. Sabihan ba naman ako na 'pabigat sa buhay'!
"Pimang.. for the short time na nagsilbi ka sa 'kin, I've realized that you're not an effective maid."
"Anong.. ibig mong sabihin?"
"Ayoko ng magpaligoy-ligoy. I don't wanna see you again."
"Anong nagawa kong mali? P'wede mo bang sabihin para maitama ko sa susunod? Para hindi ko na ulitin--"
"You really wanna know why? Listen, you're a terrible cook and you never wash my clothes properly. Kahit pagplantsa hindi mo pa magawa ng maayos. Ilang damit ko na ba ang nasunog mo? Everytime na bibisitahin ko ang comfort room, it's always slippery. Kahit ilang beses kong sabihin sa'yo na ayoko ng basa, hindi mo pa rin naiintindihan. And Britta! Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo kay Britta? Pimang, do I have to add more? Kasi I'm telling you.. madami pa. Don't you think I have the right to live comfortably and peacefully inside my own house? Instead of making my life easier, naging pabigat ka lang sa buhay ko."
Speechless ako pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng 'yan sa mukha ko kanina. Papalabas pa lang ako ng Mercy Hospital nu'n pagkatapos ng isang linggo na pagkaka-confine, pero 'yan na agad ang balita niya sa akin! Nasaan ang hustisya? Ni hindi ko man lang mai-sumbat sa kanya ang dalawang beses na pagligtas ko sa buhay niya! Sino nga ba naman ako? Isang pabigat lang!
"Assuming ka kasi sis! Aminin mo, inisip mo na may gusto din sa'yo si Doc Pogi, 'di ba? Isinampal niya tuloy sa'yo na isa ka lang pabigat! Pabigat! Pabigat! Pabigat!"
Tinakpan ko ang dalawang tainga ko dahil sa nakakabinging boses ni multong iyakin. Lukang white lady na 'to! Ano bang pinagsasasabi niya?
Nandito na naman kaming dalawa sa gilid ng kalsada. Ilang libo na sasakyan na nga 'ata ang dumaan sa harapan namin eh. 'Yung totoo.. parang nangyari na 'to.
Maya-maya ay nagpunta sa harapan ko si multong iyakin at itinapat pa ang namumuti niyang mukha sa mukha ko. Dahan-dahan, ibinubuka niya ang bibig niya at ako namang si tanga ay binasa ito! "Pa..bi..gat! Pabigat!" Nang-aasar talaga!
Tinanggal ko ang dalawang kamay ko na nakatakip sa tainga at ipinagdikit ko ito na para bang magdarasal ako. Tumingala ako at pumikit. Tingnan lang natin kung may panama 'yang pang-aasar mong white lady ka!
BINABASA MO ANG
She's Half Crazy [COMPLETED]
Fantasy(Jasbeer Gun Vergara's story) COMPLETED 'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.' Author: AC Ramos (sayonara_chinji)