Chapter 28
#OurFeelingsWillShowPrincess Marj POV
Mamamatay na 'ata ako.
Mamamatay na ako sa sobrang kahihiyan. Ano ba naman itong nangyayari sa akin? Pagkatapos ng mahabang panahon na hindi kami nagkita, ilang daang beses kong inimagine ang moment na magku-krus ang landas namin. Ang layo ng daydream ko sa mga nangyari at nararamdaman ko na pati na rin sa mga mangyayari pa. Nakita niyang puno ng nakakatawang drawing ang mukha ko, hinawakan ko siya sa sleeve ng damit niya na para bang ayaw ko siyang paalisin, tapos ngayon naman... ngayon naman lumipat ako sa condominium niya? Mababaliw na nga 'ata ako! Dapat siguro ay nagpaconsult na nga ako sa kanya. Baka sakali pang maagapan itong sakit ko. Baka sakaling... mawala na siya sa isip ko.
“Bunso...” Agad akong tumayo at hinawakan ko ang maleta ko nang makita kong papalapit na sa akin si Ate Meddilyn. Pinatawag ko kasi siya kay Manager Olly. Pinapasabi ko na maghahanap na lang ako ng ibang apartment.
Hindi sa ayokong tumira sa sosyal na lugar na ito, hindi lang talaga p'wede. Hindi ako p'wedeng pumasok ulit sa buhay ni Doctor Jasbeer. Mailalagay ko lang sa panganib ang buhay niya.
“Anong sabi? Okay lang naman daw, 'di ba? Sobrang mahal ng upa sa condominium na 'to. Baka masilip ako ng ibang artist na hawak niya. Baka sabihin nila--” Nilunok ko ang mga susunod ko pa sanang sasabihin. Nakatungo si Ate Meddilyn at bakas ko sa malalim na pagbuntong hininga niya ang kinalabasan ng usapan nila.
Hindi pumayag si Manager Olly. Hindi ako makakaalis sa condominium na 'to.
“Pasensya na, bunso, pero hindi daw posible ang gusto mo. Sinigawan pa nga ako eh. Ano pa daw reklamo mo sa lugar na 'to? Eh puro sikat na artista na nga daw ang magiging kapitbahay mo dito. Ang sabi pa niya, sabihin ko daw sa'yo na si Doctor Jasbeer Gun Vergara ang may-ari nitong building. Kapag daw sinabi ko 'yun sa'yo, hindi mo na daw nanaisin na lumipat sa ibang apartment. Crush mo daw kasi 'yun.”
Pabagsak akong napa-upo sa sofa na nababalutan pa ng plastic. Oo nga pala... ang alam ni Manager Olly ay may gusto ako kay Doctor Jasbeer gawa ng standee na ninakaw ko. Wala na ba talagang ibang paraan para makaalis ako dito?
“Aray! Aray! Aray ko! Mamamatay na 'ata ako sa bigat ng mga bag na 'to! Ang sakit ng likuran at balakang ko! Hoy babae! Tumulong ka kaya! Ang dami pang bubuhatin sa 'baba, parelax-relax ka lang dito!”
Pinanood ko na ibaba ni Kuya Gordon ang malalaking duffel bag na nakasukbit sa mga balikat niya. Base sa tagaktak na pawis niya sa mukha at leeg, mukhang pagod na nga siya.
BINABASA MO ANG
She's Half Crazy [COMPLETED]
Fantasi(Jasbeer Gun Vergara's story) COMPLETED 'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.' Author: AC Ramos (sayonara_chinji)