Chapter 10
#GisinginAngPuso“Aray! Masakit! Dahan-dahan Miss! Masakit talaga! Hindi ba puputulin ang braso ko?”
Imbis na sumagot ay natawa na lang ang nurse na naglilinis ng sugat sa braso ko.
Ang sakit na nga ng mga sugat ko, ang bigat pa ng pakiramdam ko! 'Yung tipong parang may nakatingin ng masama sa akin ngayon. Ganoon 'yung pakiramdam ko.
Sa wakas natapos din sa paglilinis at paglalagay ng puting takip sa sugat ng braso ko si ateng nurse. Nginitian niya muna ako bago siya tuluyang umalis. Noon ko lang nalaman na may nakatitig pala talaga sa akin kaya mabigat ang pakiramdam ko.
Nakasandal siya sa dingding, hindi kalayuan sa akin. Ang lalaking iniligtas ko sa kamatayan. Sobrang laking himala na wala talagang masamang nangyari sa lalaking 'to. Sobrang laking himala din na hindi ako natamaan ng bala sa parte ng katawan ko na maaari kong ikamatay. Maswerte ako na nadaplisan lang ako ng bala ng baril sa kanang braso ko. Sugat lang ang natamo ko.
“Why did you do that? You're lucky na 'yan lang ang nangyari sa 'yo, but what if..” Siya na din ang huminto sa mga sasabihin pa sana niya.
Alam kong nagulat siya sa ginawa ko kanina na pagharang sa kanya, pero kung tutuusin mas nagulat ako na nagawa ko 'yun. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala ako duwag.
“Miss Malone?” Pareho kaming napatingin sa biglang tumawag sa akin.
Si Sir Arc Ramillo. Sa totoo lang, para siyang isang action star kanina. Binaril niya ang hawak na baril ng chinese hostage taker kanina, kaya nadaplisan lang ako ng bala. Bale kung hindi siya dumating kanina, malamang tegi na ako ngayon. Tapos kitang kita ko kung paano siya tumakbo papalapit doon sa chinese na matanda atsaka niya ito sinipa sa tiyan. Nagtaob 'yung chinese tsaka niya ito pinosasan. Gusto ko sana siyang palakpakan kanina, kaya lang walang lakas ang buo kong katawan nang makita kong umaagos ang dugo mula sa braso ko. Akala ko talaga mamamatay na ako kanina.
“Okay ka lang ba? Sa braso ka lang ba tinamaan? Hangga't nandito ka sa Hospital mas mabuti kung ipacheck mo na lahat.” Nag-aalala ba siya sa akin? Pero bakit?
“She's fine. Nadaplisan lang siya ng bala sa braso. Her wound will eventually heal in time. So there's nothing to worry about.” Paliwanag ni Doctor Jasbeer. Sa tono ng pagsasalita niya, para bang siya ang Doctor na tumingin sa akin kanina. Napansin ko na lumapit na din siya sa higaan na kinauupuan ko.
“Mabuti naman at hindi grabe ang natamo mo Miss Malone.” Para siyang nakahinga ng maluwag pagkatapos marinig ang sinabi ni Doctor Jasbeer. Pero.. di nga? Nag-aalala ba talaga siya sa akin?
Teka! Oo nga pala! 'Yung batang babae na hostage ng chinese kanina!
“'Yung batang babae, kamusta na siya ngayon?” Sana naman okay lang siya. Nakita ko kasi kanina noong yaka-yakap pa siya ng chinese na nahihirapan siyang makahinga. Nasasakal kasi siya ng malaking braso nito at para bang nabibigti, dahil sa maliit lang siya at nai-aangat siya ng bahagya ng walang hiyang chinese na 'yun!
“Okay na siya ngayon. Kasama na niya ang mga magulang niya.” Mabuti naman. Nakakaawa naman kasi 'yung bata!
“Excuse me, pinapatawag ho ni Doc 'yung guardian ni Miss Malone.” Singit ni ateng nurse.
Nagtaka lang ako nang pareho silang sumunod du'n kay ateng nurse, si Doctor Jasbeer at maging si Sir Arc.
* * *
Maraming araw na din ang nagdaan magmula nang mangyari ang nakakatakot na putukan sa Lion Hotel. Medyo galing na ang sugat sa kanang braso ko. Paano ba naman, sa tuwing aalis at uuwi si Doctor Jasbeer ay panay ang paalala niya sa akin na linisin ko ang sugat ko. Minsan nga siya pa ang naglilinis nito eh, pero minsan lang 'yun. Siguro mga dalawang beses lang. Masyado kasi siyang busy sa trabaho kahit na nasa bahay. Hindi siya maistorbo sa harap ng laptop niya.
BINABASA MO ANG
She's Half Crazy [COMPLETED]
Fantasy(Jasbeer Gun Vergara's story) COMPLETED 'H'wag mo akong hawakan. Ayokong makita kung paano ka mawawala sa mundong ito.' Author: AC Ramos (sayonara_chinji)