PART 1

37.6K 842 21
                                    



"GOOD-BYE, class," nakangiting sabi ni Issabella nang magsitayuan na ang mga grade three pupils niya sa pagtatapos ng klase nila.

"Good-bye, Teacher. See you on Monday," sabay-sabay na paalam ng mga ito.

"Don't forget to do your homework," paalala niya sa mga ito bago nagsimulang maglabasan ang mga ito ng classroom.

Nang makalabas na ang mga bata ay naiwan siyang nakaupo at nakapangalumbaba sa kanyang mesa sa harap ng blackboard. She let out a sad sigh. Halo-halong damdamin ang nadarama niya nang mga sandaling iyon. She was sad, amazed, and confused all at the same time. Hindi niya akalaing darating ang ganoon kabigat na pagsubok sa buhay niya.

Nang nagdaang araw lang ay nakausap niya ang isang lalaking nagngangalang Atty. Kevin Marquez. He said he was her Aunt Selena's lawyer. Noon lang niya nalamang pumanaw na ang kanyang tita dalawang linggo na ang nakararaan sa Amerika. She died from colon cancer.

Naalala niya noong una niyang nakita ito. Hindi nito gustong pag-usapan ang tungkol sa problema nito sa pamilya. Iginalang niya ang kagustuhan nito sa pag-asang magkikita uli sila. Ngunit lumipas ang ilang taon ay hindi na ito muling nagpakita sa kanya.

Until seven months ago ay bigla na lang dumating ito sa bahay nila at nakipag-ayos sa kanyang ina. The reconciliation was dramatic. Kapwa lumuha ang magkapatid. Natuwa siya na sa wakas ay nagkasundo na ang mga ito pagkatapos ng maraming taon. Dinalaw rin nito ang puntod ng mga kinilalang magulang. Huli na raw nang malaman nito na pumanaw na ang kinagisnan nitong ina. Gayunpaman, dumalaw raw ito sa puntod ng lola niya nang malaman nito ang balita. Labis daw na ikinalungkot nito ang pagpanaw ng lola niya.

Masaya ang naging pagsasama nilang tatlo—siya, ito, at ang kanyang ina. Gayunpaman, isang linggo lang ang itinagal ni Tita Selena sa bahay nila. Umalis kaagad ito at bumalik sa Amerika. Pero kahit maikli lang ang panahong inilagi nito sa bahay nila ay naging masaya silang mag-ina na nakasama nila ito.

Ang akala niya ay magtutuloy-tuloy na ang magandang samahan ng kanyang ina at tita kahit pa malayo ang distansiya ng mga ito. Nagkamali siya. Mula kasi nang dumalaw si Tita Selena sa Vigan ay hindi na uli ito nagparamdam sa kanila.

Ngunit ngayon ay alam na niya ang dahilan ng pananahimik nito. May malubhang karamdaman palang pinaglalabanan ito noong mga panahong iyon. Malamang na kaya kinailangan nitong umalis kaagad sa Vigan noong nakipagbati ito sa kanyang ina ay dahil magpapagamot ito.

Ayon sa abogado nito, nasa advanced stage na raw ang cancer ni Tita Selena nang ma-detect iyon kaya nahirapan nang malunasan ang sakit nito. Kaya pala hindi nabalita sa diyaryo o telebisyon ang nangyari dito ay dahil sa Amerika ito pumanaw at pribado ang naging burol at libing nito.

Nakapanghihinayang na hindi man lang nila nadamayan ito sa mga huling sandali ng buhay nito o kahit man lang nasilip ang burol nito at naihatid ito sa huling hantungan nito. Ayon sa sulat sa kanya ng tita niya na iniabot sa kanya ng abogado, sinadya nitong ilihim sa kanila ang tungkol sa sakit nito at ang nakatakdang pagpanaw nito.

To my one and only dearest niece,

The fact na binabasa mo na ito ngayon, that only means I'm gone. I'm sorry kung hindi ko ipinaalam sa inyo ng inay mo ang nangyari sa akin. I just don't want to leave you with sad memories. Gusto ko na iyong mga masasayang moments na nakasama ko kayo ng inay mo ang iwan ko sa inyong mga alaala.

I never had a child kaya natuwa ako nang malaman ko na may pamangkin ako. Now that I'm dead, I want you to have everything I own. As my only niece, I chose you as my heiress.

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon