PART 15

23.3K 566 18
                                    


HANDS-ON! Kung hindi nakapagpigil si Issabella ay baka nasampal na niya si Drew nang nagdaang araw. Hands-on daw? Hindi pa siya naloloka para pumayag sa kalokohan nito. Although he delivered the suggestion as a joke, hindi pa rin magandang pakinggan ang sinabi nito. Natakot tuloy siya na muling mapag-isa kasama ito.

Nang araw na iyon ay tinawagan niya si Bambi upang samahan siya nito para sa second day ng tutorial class niya. Tatapalan na lamang niya ng masking tape ang bibig nito para hindi na sumabad ito at mapag-init ang kanyang ulo. Sa kasamaang-palad, hindi raw makakarating ito dahil mag-a-out of town ito. May shooting daw ang production team ng mga ito. Sa makalawa pa raw ang balik nito.

Naumpisahan na niya ang pag-aaral tungkol sa sex kaya dapat niyang tapusin iyon kahit mag-isa lamang siya. Hapon pa ang "class schedule" niya sa kanyang "pervert professor" kaya naisipan niyang lumabas muna upang mag-grocery. Hindi niya alam kung sadyang pinagtatagpo sila ni Drew ng tadhana dahil nakasabay uli niya ito sa elevator.

"Hi!" nakangiting bati nito sa kanya.

"Hello," pormal na bati niya rito. Muli ay pumuwesto siya sa harap ng mga control buttons at hindi na muling nilingon ito.

"Napag-isipan mo na ba ang tungkol sa suggestion ko?" tanong nito nang sumara ang elevator.

Nagngalit ang mga ngipin niya. Nang lingunin niya ito ay tumawa ito. Mukhang aliw na aliw ang loko. Tumalim ang tinging ipinupukol niya rito. "Subukan mo lang na mag-hands on mamaya at ha-hands on-in din kita ng kamao ko."

Muling tumawa ito. "Where are you going?"

It's none of your business. Iyon sana ang sasabihin niya rito ngunit naisip niya ang kagandahang-asal kaya sinagot niya ang tanong nito. "Sa grocery."

"Actually, doon din ang punta ko. Sumabay ka na sa akin. May kotse ako."

"Nagbago na ang isip ko. Pupunta na lang muna ako sa bookstore," palusot niya upang hindi makasama ito.

"All right. I'll drive you there."

"No, thanks. Huwag mo nang abalahin ang sarili mo. I'm okay."

Bumukas ang elevator at pumasok ang dalawang babaeng parehong maiksi ang mga suot. Nginitian ng mga ito si Drew.

"Hi, Drew!" sabay pang bati ng mga ito.

"Hi!" ganting-bati ng lalaki.

"Are you busy, Drew? Can you come with us?"

"Sorry, girls. Next time na lang."

Mukhang nadismaya ang mga ito.

Aba at tumatanggi rin pala sa babae ang playboy, naisaloob niya.

Tumingin sa kanya ang isang babae at hinagod siya ng tingin. Nakita niya ang disgusto sa mukha nito. Nahuli pa niya ang pagsiko nito sa katabi nito. Mula sa pagkakatitig kay Drew ay inilipat ng isa pang babae ang paningin sa kanya. Parang nagpipigil lamang ito na tumawa.

May ibinulong ang isang babae sa katabi at nagtawanan ang mga ito habang nakatingin sa kanya. Pinagtatawanan ba ng mga ito ang hitsura at pananamit niya?

"Miss, do you want to come with us?" tanong ng babaeng kulot ang buhok.

"Papunta kami sa salon," anang isa pang babae. "Baka gusto mong magpa-parlor. Mukhang major overhaul ang kailangang gawin sa iyo."

Nagtawanan uli ang mga ito. Pinigilan niya ang sarili na pagsalitaan ang mga ito. Edukada siyang tao at hindi siya makikipag-away sa mga mapanlait na babae. After all, sanay na rin naman siya na pinipintasan ang ayos niya. Komportable siya sa getup niya kaya kahit hindi maganda iyon sa paningin ng iba ay wala siyang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao. Gayunpaman, nasaktan pa rin siya kahit paano.

"Hindi na niya kailangang magpa-salon pa dahil maganda na siya sa paningin ko," wika ni Drew.

Napatingin siya rito na noon ay sa kanya nakatutok ang paningin. Siya ba ang tinutukoy nito? Parehong nakakunot ang noo ng dalawang babae nang balingan niya ang mga ito. Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanilang dalawa ni Drew.

Lumapit sa kanya si Drew at inakbayan siya. Magre-react sana siya sa ginawa nitong paghawak sa kanya ngunit narinig niya ang pagsinghap ng dalawang babae. Mukhang gulat na gulat ang mga ito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Drew.

"Babe, mag-grocery muna tayo bago tayo dumaan sa bookstore, all right?" wika pa ni Drew.

Napatango na lamang siya. Bumukas na ang elevator. Niyakag siya nitong lumabas na.

"Oh, my God! I can't believe it! Pinatulan siya ni Drew?"

Nakarating pa sa pandinig niya ang bulalas na iyon bago sila nakalayo ni Drew sa dalawang babae. 

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon