PART 18

22.8K 538 6
                                    

"KISSING is a very important component in making love. It ignites the passion between two persons," wika ni Drew nang magsimula na sila sa leksiyon.

"That's a basic knowledge," sabi ni Issabella habang isinusulat ang sinabi nito.

"A basic knowledge, huh? You don't even seem to know how to kiss," he teased.

Hindi siya nakaimik.

"There's more to kissing than what you might know. A person's mouth has a lot of use."

Napatingin siya sa mga labi nito. They were red and had a shape that was perfect for a man. Alam niyang eksperto na ang mga labing iyon sa paghalik. Paano kaya humalik ito?

Nang umangat ang sulok ng mga labing tinititigan niya ay napaangat siya ng tingin at nakita niya ang tila nanunuksong tingin nito.

She looked away. Nagsimula na namang mag-init ang kanyang mga pisngi dahil sa pagkailang. Napalunok siya. Ano ba ang pumasok sa isip niya at tinitigan niya ang mga labi nito?

"I'm sure you're wondering how it feels to be kissed."

Totoo iyon. Minsan ay naiisip niya kung paano ang mayakap at mahagkan ng isang lalaki. Pero hindi niya aaminin iyon dito.

"It feels good to be kissed, Issa." Tumingin ito sa mga labi niya. "I want you to feel how good it is and what kind of sensation it brings to one's body."

Nanlaki ang mga mata niya. Kung makatingin ito ay parang gusto nitong i-hands-on ang pagtuturo sa kanya kung paano humalik. "H-hindi ko kailangang matutuhan kung paano humalik."

"Mali ka. Kailangan mong matutuhan iyon. When you write a demonstrative book like that, you write not only with your knowledge but also with your emotions. Otherwise, hindi magiging effective ang pagsusulat mo."

"W-what are you suggesting, huh? Ang maki-paghalikan ako para lang makapagsulat ako effectively?"

"Exactly."

"Hindi ko gagawin iyon." Tumingin uli siya sa notebook na nasa kandungan niya.

Tumayo ito at tinungo ang malaking television. May isinalang itong CD sa DVD player. He sat one seat apart from her and pressed the remote control.

"Ano 'yan?" tanong niya.

"Visual aid." I-f-in-orward nito ang mga eksena sa nakasalang na pelikula. Tumigil ito sa parte na naghahalikan ang bidang lalaki at bidang babae.

Noong bata pa siya ay awtomatiko ang pagtatakip niya ng mga mata tuwing may ganoong eksena sa telebisyon. Nang lumaki na siya ay hindi na niya ginagawa iyon. Kaya lang, sa pagkakataong iyon ay parang gusto niyang magtakip ng mga mata. It was very awkward watching a scene like that with a guy!

Inagaw niya ang remote control dito at pinatay ang DVD player. "Nakapanood na ako ng mga ganyang eksena."

"Hindi lang simpleng panonood ang kailangan mong gawin. Kailangan mong pag-aralan kung paano ang humalik kahit sa pamamagitan lang ng panonood."

"Pag-aaralan ko mamaya nang mag-isa."

Ngumiti ito. "Ayokong gawing assignment ito. Gusto kong gawin mo ito ngayon. Dahil gusto kong habang pinapanood mo iyon ay binibigyan kita ng lecture."

Pinandilatan niya ito. "Hindi mo ba nararamdaman na awkward para sa akin ang gusto mong mangyari?"

"Walang malisya para sa akin ang panonood ng gano'n na kasama ka. Kung mayroong malisya iyon para sa iyo, ikaw ang may problema."

"Oo. Siguro nga ay may problema ako," sabi na lang niya para hindi na magpumilit ito. "Kaya hindi ko magagawa na manood ng ganyang eksena na kasama ka."

"Delingkuwente kang estudyante. Dapat kang parusahan."

Awtomatiko ang pagtaas ng kilay niya. "Parusa?"

"Yeah. Dahil hindi ka sumunod sa teacher mo, parurusahan kita." Lumipad ang tingin nito sa bandang kusina ng condo unit. Ngumiti ito. "Cook for me."

Wala siyang naramdamang pagtutol sa gusto nitong iparusa sa kanya. Marahil ay dahil gusto rin niyang makabawi sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya sa mga babaeng nanlait sa kanya kanina. Tumango siya. "Sige, ipagluluto kita ng hapunan mamaya."

Hindi rin natuloy ang pagluluto niya ng hapunan para dito dahil bago matapos ang kanilang klase ay may tumawag dito kaya umalis na lang ito at hindi na nagpahanda ng pagkain sa kanya.

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon