"BAKIT mo ginawa 'yon?" tanong ni Issabella kay Drew. Hindi siya makapaniwalang pumayag siyang sumakay sa kotse nito. Hindi rin niya maintindihan kung bakit ipinagtanggol siya nito sa mga babaeng nanlait sa kanya sa elevator.
"Ang alin?" Nasa likod ito ng manibela.
"Alam mo kung ano ang tinutukoy ko."
"Those girls were mean. Hindi ko gusto ang ginawa nila sa iyo."
Napatitig siya rito. "At sa tingin mo, ang magpanggap na 'babe' mo ako ay nagbangon sa akin, gano'n ba?"
"At least, kahit paano ay napahiya sila sa ginawa nila sa iyo."
"So feeling hero ka, gano'n?"
Ngumiti ito. "Kung nagpapasalamat ka, don't mention it."
Na-appreciate naman niya ang ginawa nito. Wala pang lalaking nagtanggol sa kanya bukod sa kanyang ama. Ito pa lamang ang kauna-unahan. Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit kailangan nitong gawin iyon samantalang hindi naman sila magkaibigan.
"Gano'n ba talaga ang mga babae rito sa Maynila?"
"Hindi naman lahat."
"Ganyan ba ang lahat ng mga babae sa Vigan?"
"Paanong ganito?"
"Ganyan manamit, ganyan kumilos, at ang mentalidad ay makaluma... conservative."
"Hindi. Bihira ang katulad ko."
"Talaga?" Tila na-amuse ito.
"Alam ko na hindi ako fashionable. Kaya lang, ito na ang nakasanayan kong getup. Komportable ako rito. Usually, wala naman akong pakialam kahit sabihin nilang hindi maganda ang hitsura ko. Hindi ko babaguhin ang sarili ko para sa kanila."
Ngumiti ito. "I admire your self-esteem. Although kahit sino naman talaga ay magtataka sa ayos at pananamit mo sa panahon ngayon. You just mentioned you are aware of it. I think you're the kind of person who does not welcome changes and new things."
"Siguro nga ay totoo iyang sinabi mo. Conventional at unadventurous ako pero doon ako masaya." Hindi niya alam kung bakit siya nag-o-open up dito nang mga sandaling iyon.
"But sometimes you need to welcome new things, you know. Kapag ginawa mo iyon, puwede mong ma-discover kung ano talaga ang makakapagpasaya sa iyo. Malay mo, mas magiging masaya ka pala kung may babaguhin ka o susubukang bago."
"What are you suggesting?"
"Like try to change how you look. Throw away your glasses, let down your hair, wear something in fashion, and put a smile on your face."
"So I could attract perverts, gano'n ba?"
"Iyon ba ang dahilan kaya itinatago mo ang ganda mo sa ganyang ayos?"
Did she hear it right? Sinabi nitong may ganda siya?
"Bihira akong makakilala ng babaeng hindi vain at walang pakialam sa hitsura niya. Kakaiba ka, Issa. Ngayon lang din ako nakakilala ng isang babaeng kasing-inosente mo at... well, frigid. It's ironic to know you're actually a sexologist's niece."
Kung alam lamang nito na hindi talaga sila magkadugo ni Tita Selena.
BINABASA MO ANG
Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]
RomanceIssabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her lifestyle was old-fashioned and her values were conservative. In short, isa siyang manang. Ikinabig...