PART 22

23K 538 4
                                    



INIISIP pa rin ni Issabella ang imahinasyong pumasok sa isip habang hinihipan ni Drew ang napasong daliri niya nang nagdaang araw.

She must be crazy for having that thought. Naaapektuhan na ba ng mga natutuhan niya mula rito ang isip niya kaya kung ano-ano na ang nabubuo ng imahinasyon niya? At bakit nang hawakan nito ang kamay ay tila may kakaiba siyang nadama? Ano ang nangyayari sa kanya?

Bakit parang lumambot na ang puso niyarito? Wala na siyang nadaramang inis para dito. Hindi na rin siya natatakot dito. Pero bakit? May isang ideyang namumuo sa kanyang isip ngunit ayaw niyang i-acknowledge iyon.

Nang araw na iyon ay tinawagan niya ang mga magulang upang mangumusta. Nang magtanong ang mga ito ay nag-imbento na lang siya ng kuwento tungkol sa ginagawa niya sa Maynila. Tinawagan din niya si Winda at kinumusta ito. Sinabi niya rito na may tumutulong na sa kanya sa misyon niya ngunit hindi na niya idinetalye rito ang mga pagdurusa niya.

Nakatanggap siya ng tawag mula kay Atty. Marquez. Inalam nito ang estado ng misyon niya. Hindi niya sinabi ang tungkol kay Drew at sa ginagawa niyang pag-aaral. Sinabi lang niya na may ginagawa na siyang aksiyon upang maisulat ang karugtong ng manuscript.

Twenty days na lang daw ang natitira sa taning ng proviso at dahil doon ay nag-panic siya. Wala pa siyang naisusulat ni isang tip o mas tamang sabihin na wala pa siyang makayang isulat kahit isa dahil hindi pa rin niya natututuhang maging komportable sa paksang dapat niyang isulat. She tried writing one tip but she sucked at it.

Napagpasyahan niyang magtungo sa chapel ng condominium building na iyon sa ground floor upang ipagdasal ang problema niya. Paglabas niya ng chapel ay naupo siya sa isa sa mga couches sa lobby at doon ipinagpatuloy ang pag-iisip.

She had to convince Drew to write the twenty-nine bedroom tips for her. Iyon ang pinakamainam na solusyon sa problema niya. Pero paano niya gagawin iyon gayong mukhang hindi naman ito interesado sa pera dahil napakayaman pala ng angkan na pinagmulan nito?

Napansin niyang malabo na naman ang mga lente ng salamin niya sa mata kaya hinubad niya iyon upang punasan. Hinugot niya ang panyo sa bulsa. Naramdaman niyang may umupo sa tabi niya.

"Hey, what are you doing here?"

Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na tinig. Dahil sa pagkabigla ay nabitiwan niya ang salamin niya. Nahulog iyon sa sahig. Nang damputin niya iyon ay may lamat na ang kaliwang lente niyon.

"Damn! I'm sorry I startled you," wika ni Drew habang nakatingin sa salamin niya.

Nearsighted siya kaya kahit wala siyang salamin ay naaninag pa rin niya ang mukha nito. "Bakit ka ba kasi nanggugulat?" tanong niya.

Hindi sumagot ito. Napansin niyang nakatingin lang ito sa kanya.

Wala siyang extra pair na dala kaya isinuot na lang uli niya ang salamin. Ngunit nabigla siya nang alisin iyon ni Drew sa mga mata niya. Tinitigan siya nito. Pagkatapos ay tumungo ang kamay nito sa likod ng kanyang ulo, sa pagtataka niya. Naramdaman niya ang paghila nito sa ponytail niya. Inilugay nito ang buhok niya, pagkatapos ay tinitigan uli siya.

"You're pretty," sabi nito.

"Huh?"

"Maganda ka kapag wala kang salamin sa mga mata at nakalugay ang buhok mo," nakangiting sabi nito.

May nadama siyang kasiyahan dahil sa sinabi nito. Hindi ito ang kauna-unahang nagsabi ng ganoon sa kanya ngunit iyon ang kauna-unahang pagkakataon na ikinatuwa niya na marinig iyon. Hinila siya nito patayo.

"Come on," yakag nito.

"Saan tayo pupunta?" Ang pagkakaalam niya ay mamayang hapon pa ang klase nila.

"Sa optical shop. Dahil sa akin kaya nabasag itong salamin mo kaya papalitan ko."

Hindi na siya kumontra nang igiya siya nito palabas ng gusali. Hawak nito ang kamay niya. Dapat siguro ay magalit siya ngunit wala siyang makapang ganoong emosyon sa kanyang dibdib. Gusto niya ang pakiramdam na hawak nito ang kamay niya. Siguro nga ay nababaliw na siya.

Nang marating nila ang optical shop ay namili kaagad siya sa mga frames na naka-display sa eskaparate ngunit napahinto siya sa pagpili nang marinig niya ang hinahanap ni Drew sa crew ng shop.

Contact lenses.

Aapela sana siya ngunit naalala niya ang sinabi nito kanina sa lobby ng condominium building. Maganda raw siya kapag walang suot na salamin sa mga mata. Kaya ba contact lenses ang gusto nitong bilhin para sa kanya?

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon