PART 4

25.7K 651 4
                                    


INILIBOT ni Issabella ang kanyang paningin sa paligid. Maganda at marangya ang interior ng condo unit ng Tita Selena niya sa Mimosa Sky Suites. Doon siya dinala ng abogado nito. Doon siya manunuluyan hanggang sa matapos niya ang misyon niya. Kompleto sa mga gamit-pambahay ang condo unit. Mayroon ding laptop doon na magagamit niya sa pagsusulat.

Halos hindi siya nakatulog sa unang gabi niya sa Maynila. Unang beses iyon na malayo siya sa kanyang mga magulang. Iyon din ang kauna-unahang beses na nakapunta siya sa Maynila at mamumuhay nang mag-isa sa isang lugar na hindi niya kabisado.

Pinagmasdan niya ang nakakuwadrong larawan ng tita niya at ng asawa nito na nakasabit sa dingding. Hindi niya alam kung bakit kinailangan pang itali ng kanyang tita sa mana ang tungkol sa librong gusto nitong tapusin niya. But maybe everything in this world had a price. Dapat nga lang marahil na paghirapan niya ang pagkakamit ng kayamanang iyon.

Kinabukasan ay tinawagan niya si Bambi sa cell phone number nito. Isang gay ito na naglayas sa bahay nito dahil hindi tanggap ng ama ang kabaklaan nito. Nagtatrabaho ito bilang make-up artist at assistant wardrobe designer sa isang film and video production company. Marahil ay matutulungan siya nito na makakilala ng mga taong mapagkukuhanan niya ng ideya para sa gagawin niya.

Tila mabait naman ito base sa naging pag-uusap nila sa telepono. Minabuti niyang sabihin na lamang dito ang problema niya nang personal. Kaya naman nagprisinta na lamang siyang pumunta sa pinagtatrabahuhan nito upang makilala at makausap niya ito.

Alas-diyes ng umaga nang magpasya siyang puntahan ang address na sinabi ni Bambi. Ang bilin nito ay mag-taxi na lamang siya at sabihin sa driver ang pangalan ng gusali upang hindi siya maligaw. Habang naghihintay siya sa pagbukas ng elevator ay tila biglang umalingawngaw sa kanyang mga tainga ang bilin ni Tita Selena sa sulat.

Have sex.

Could it be that Tita Selena was suggesting she did "it" with a guy so she could finish the book? Napailing siya. No way! Hindi niya ibibigay ang kanyang sarili sa kahit sinong lalaki para lamang sa manang iyon. Sure she wanted that inheritance but she would not turn herself into a slut just for that. Walang katumbas na halaga ang virginity niya.

Nang bumukas ang elevator ay isang tao lamang ang laman niyon. Napatitig siya sa lalaking nakasandal sa dingding ng elevator. Why, he had the most handsome face she had ever seen. Matangkad at maganda ang tindig nito. Mukhang artista o modelo ito. Mukhang mayaman ito.

Ngumiti ito sa kanya—ngiting nang-aakit.

Playboy, sa loob-loob niya. Ang mga lalaking taga-Maynila raw ay mga playboy, iyon ang nabalitaan niya. Hindi siya mapagpaniwala sa mga sabi-sabi ngunit alam niyang may bahid ng katotohanan iyon.

Hindi niya ibinalik ang ngiti nito. Hindi lamang dahil sa tingin niya ay playboy ang lalaki kundi dahil hindi talaga siya ngumingiti sa mga lalaking hindi niya kakilala. Pumasok siya sa elevator at pumuwesto sa harap ng mga control buttons. May ilaw na ang button para sa ground floor kaya hindi na niya pinakialaman iyon. Nagsimulang umandar pababa ang elevator.

Napakalakas ng presensiya ng lalaki sa bandang likuran niya. May pakiramdam siyang sa kanya nakatingin ito at tila hindi niya kayang bale-walain iyon.

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon