PART 28

23.4K 582 10
                                    


"SIGURO naman ay marami ka nang natutuhan. Tama na siguro ang mga itinuro ko para maipagpatuloy mo na ang manuscript ng tita mo."

Napabuntong-hininga si Issabella habang nakaupo siya sa couch at nakasandal ang likod ng ulo sa backrest niyon. Isang linggo na lang ang natitira sa taning at nag-aalala na siya dahil wala pa rin talaga siyang maisulat.

Naramdaman niya ang pagbaling sa kanya ni Drew. Hindi niya sinalubong ang mga mata nito at pinanatili sa telebisyon ang paningin.

"Babe, huwag mong sabihing wala ka pa ring naisusulat?"

Hindi siya sumagot.

"Ano kaya kung mag-demand ako ng practical exam?"

"Ha? P-practical..." Nanlaki ang mga mata niya.

"Paano ko malalaman kung natuto ka nga talaga sa akin? Mukhang hindi ka pa nakakasulat. Paano mo mapapatunayan sa akin na may natutuhan ka at hindi nasayang ang effort ko sa pagtuturo?"

Hinampas niya ito ng throw pillow. "Sira-ulo ka talaga!"

Tumawa ito. Kahit parating nagpapahiwatig ito, hindi naman ito sumusubok na totohanang dalhin siya sa kama. He respected her values and that was what she loved most about him.

"I just can't write. Hindi ko talaga kaya." Naisip niyang dapat na niyang kumbinsihin ito na magsulat ng karugtong ng manuscript ng tita niya para sa kanya. Dumikit siya rito at kumapit siya sa braso nito. "Babe..."

"Hmm?"

"Puwede mo ba akong tulungan?"

"What do you mean?"

"Puwede bang ikaw na lang ang magsulat ng karugtong ng manuscript ni Tita Selena?"

Hindi sumagot ito. Tumitig lang ito sa kanya.

"Please, babe. Alam kong naiintindihan mo ang kalagayan ko. Nahihirapan kasi talaga ako, eh."

Hindi pa rin sumagot ito. Napabuntong-hininga siya.

"Okay. But you have to give me something in return," sabi nito mayamaya.

Nabuhayan siya ng loob dahil sa sinabi nito. "Ano 'yon?"

"Ilang tips ang kailangan mo?"

"Twenty-nine tips."

Gumuhit ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito. "Twenty-nine? All right. A kiss for every tip."

Napangiti siya. Madali lang pala. "Sure."

"That would be twenty-nine kisses in twenty-nine different parts of my body."

"Ano?" Napatuwid siya ng upo.

"You heard it right. Bawat kiss ay kailangang sa iba't ibang parte ng katawan ko."

Pinandilatan niya ito. "Pervert!"

He laughed. His lips reached for her cheek and he hugged her. Kunwari ay nagpumiglas siya. May dinukot ito sa ilalim ng coffee table ng sala ng pad nito. It was three sheets of bond paper and a CD. Ibinigay nito ang mga iyon sa kanya. Nang mabasa niya ang nakasulat sa papel ay napasinghap siya. It was what she needed—the twenty-nine bedroom tips!

"You did this for me?"

Nakangiting tumango ito. "Kahapon ko lang natapos."

"Kahit hindi ko pa sinasabi sa iyo?"

"I know you wouldn't be able to do it. You would be too shy to write them down. So I decided to prepare that for you. Para hindi ka na mahirapan."

She was so touched. Napayakap siya rito. Ginantihan nito ang yakap niya.

"Thank you, babe. Thank you so much."

"Hey, I'm serious about the twenty-nine kisses."

Natawa siya.

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon