PINAGMASDAN ni Issabella ang repleksiyon sa salamin. Hindi siya banidosang tao kaya hindi niya naranasan kahit kailan ang magmukhang kaakit-akit. Salamat kay Bambi na kanina lang ay nasa condo unit na tinutuluyan niya at inayusan siya. Dahil dito ay nadiskubre niyang kaya rin pala niyang maging kaakit-akit.
Hindi siya makapaniwala na sinang-ayunan niya ang suhestiyon nito na magpaganda siya upang makumbinsi niya si Drew na isulat ang twenty-nine tips on her behalf. Marahil ay talagang desperada na siya. But she knew that somehow, gusto rin niyang makita siya ni Drew na ganoon ang hitsura. Sinabi nito na maganda siya at gusto niyang makita nito na maganda siya.
Nang marinig niya ang doorbell at makita niya si Drew sa monitor ng video camera ay kinabahan siya. Bigla ay nahiya at nailang siya sa makeup niya na bagaman manipis lang ayon kay Bambi ay hindi pa rin siya komportable at sa bestida na bagaman hindi naman ganoon ka-revealing ay wala pa ring manggas at hanggang itaas ng tuhod ang haba.
Napagpasyahan na rin niyang pagbuksan si Drew nang paulit-ulit na nag-doorbell ito. Pagbukas niya ng pinto ay napansin niya ang pagguhit ng paghanga sa mga mata nito ngunit iglap ding nawala iyon at napalitan ng pagtataka habang nakatitig ito sa kanya. Saglit pa nitong sinulyapan ang numerong nakakabit sa pinto ng condo unit. Dahil kakaiba ang hitsura niya, marahil ay naisip nitong baka nagkamali ito ng kinatok na pinto.
Nginitian niya ito nang maisip niya ang bilin ni Bambi. "Be nice and smile."
Tila lalong nagtaka ito.
"Come in, Drew." She was thankful she did not stammer.
"Issabella?"
Tumango siya.
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi nito habang hinahagod ng tingin ang kabuuan niya. "You're lovely."
Muli ay nakadama siya ng kasiyahan sa dibdib sa pamumuri nito. "Thanks," aniya. Gumilid siya sa pinto upang bigyang-daan ito.
Mukhang hindi pa rin makapaniwala ito sa pagba-bago niya dahil hanggang sa makaupo ito sa couch ay hindi pa rin maalis ang tingin nito sa kanya. Kitang-kita niya ang paghanga sa mga mata nito. Lalo tuloy siyang nailang dahil sa hayagang pagtitig nito sa kanya.
"Can we start our lesson for today?" tanong niya dahil mukhang walang balak ito na simulan iyon.
"Why? I mean, you've changed. Halos hindi kita nakilala kanina."
"Si Bambi kasi, eh. No'ng nakita niya akong walang salamin, ang sabi niya, may pag-asa raw pala akong gumanda. Kaya sinubukan niya at nagustuhan ko naman ang ginawa niya."
Ngumiti ito. "I told you, you should welcome changes and new things dahil baka mas magustuhan mo. And I was right. Nagustuhan ko rin ang ginawa ni Bambi. You look beautiful."
She smiled.
"And especially because you can smile now."
Alam niyang hindi siya ngumingiti dahil sa bilin ni Bambi. Totoo ang ngiti niya at hindi lang upang maging kaakit-akit siya sa paningin ni Drew.
BINABASA MO ANG
Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]
RomanceIssabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her lifestyle was old-fashioned and her values were conservative. In short, isa siyang manang. Ikinabig...