PART 9

24.1K 580 1
                                    


NAPATINGIN si Issabella sa relong suot niya. Alas-tres y medya na ng hapon ngunit wala pa ang lalaking nakatakdang ipakilala sa kanya ni Bambi. Ang lalaki raw na iyon ay matatawag na eksperto sa larangan ng sex. Kayang-kaya raw siyang tulungan ng lalaking iyon.

"He's a sex god," kumukurap-kurap na sabi ni Bambi.

"Huh? You mean, a sex guru?" mahinang wika niya. Bagaman magkakalayo ang distansiya ng mga mesa sa restaurant na pinuntahan nila ay nahihiya pa rin siya na baka may makarinig sa pinag-uusapan nila.

"A guru, yes. But physically, he's a sex god. Isang lalaki na may super hot bod. Nakakaloka ang kaguwapuhan niya. He's oozing with sex appeal. Kapag nakikita ko siya, nalalaglag ang panties ko."

"Nagpa-panties ka?" pabulong na tanong niya.

"Oo naman, Ate. Mula nang maglayas ako sa amin ay malaya na akong nakakapagsuot ng panties."

Napangiti siya sa sinabi nito.

"Oh, my papaboom! 'Ayan na, nalalaglag na ang lacy panties ko!" bulalas nito mayamaya.

Sinundan niya ang direksiyong tinitingnan nito. Isang matangkad na lalaki ang naglalakad palapit sa kanila.

Napakunot-noo siya. Pamilyar sa kanya ang bulto nito. Napasinghap siya nang makalapit ito at makilala niya kung sino ito—ang bastos na lalaki sa elevator!

"Hi, Papa Drew!"

"Hey," nakangiting ganting-bati nito kay Bambi. "Sorry, I'm late." Tumingin ito sa kanya. "Hi!" he said, smiling.

Awtomatiko ang pagtatagis ng kanyang mga bagang. Marahas ang ginawa niyang pagbaling kay Bambi. "Bakit siya?"

"Siya lang ang pumayag sa mga tinanong ko, eh."

"'Di bale na lang." Tumayo siya, bitbit ang bag.

"Ate Issa?"

Humakbang siya palayo ngunit hinagip ni Bambi ang braso niya.

"Ate Issa, wait." Bumaling ito sa lalaki. "Papa Drew, wait lang, ha? Mag-uusap lang kami sandali." Hinila siya nito sa labas ng restaurant. "Ate Issa, bakit mo ginawa 'yon? Bakit ka nag-walk out? Nakakahiya kay Papa Drew."

"Manyakis ang lalaking 'yon. Hindi ako makakapayag na siya ang magturo at tumulong sa akin."

"Ate, naman... Hindi madali ang maghanap ng tutulong sa iyo. At saka, hello? Like what I said yesterday, hindi ka niya pagnanasaan. Promise. Masyadong maraming babaeng humahabol at nagkakandarapa sa kanya at sumisigaw ng 'Take me home, Drew!' 'Love me, Drew!' at 'Anakan mo 'ko, Drew!' at take note, magaganda at sexy silang lahat. Kaya malabong..." Tumigil ito sa pagsasalita dahil marahil sa matalim na tinging ipinukol niya rito. Yumuko ito. "Ate, naman..."

May punto naman ito. Hindi siya kaakit-akit para pagnasaan ng isang katulad ni Drew. Kaya nga hindi niya maintindihan ang ginawi nito sa elevator.

"Hindi ako komportable sa taong iyon." Ikinuwento niya rito ang naging engkuwentro nila ni Drew sa elevator nang nagdaang araw.

"Baka naman na-misunderstand mo lang siya, Ate. Hindi gano'n si Papa Drew. Wala pa akong nabalitaang may minolestiya siyang manang. Baka na-amuse lamang siya sa iyo kasi baka ngayon lang siya nakakita ng isang babaeng kagaya mo manamit. Nagtataka lang siguro siya. Baka iniisip niyang may charismatic movement na sa condo building ninyo." Pagkasabi niyon ay tumawa ito.

She gritted her teeth. Isa pa at mababatukan na niya ito.

"Ate, naman... Huwag ka namang ganyan. Sayang naman ang pag-aalok ko ng katawan ko kay Papa Drew para tulungan ka lang niya."

Nagulat siya. "Ano'ng sabi mo? Inialok mo ang katawan mo sa kanya?"

"Oo. Nakita mo naman ang dedication ko sa iyo. Handa akong isakripisyo ang puri ko para matulungan ka lang, 'tapos, tatanggihan mo lang. Iyon nga lang, hindi niya tinanggap ang katawan ko. But at least, pumayag siyang tulungan ka. Kaya dapat mo nang sunggaban ang chance na ito. Baka mahirapan na tayong makakuha ng taong tutulong sa iyo. Twenty-five days na lamang ang natitirang panahon para matupad mo ang proviso, 'di ba?"

Kunsabagay, tinutulungan lamang siya nito kaya wala siyang karapatang pagalitan ito at magreklamo sa tulong na ibinibigay nito. Hindi niya dapat pahirapan ito.

"Bakit siya pumayag?" nagdududang tanong niya.

"Ewan ko. Basta ang alam ko lang, mabait at matulungin siya sa mga nangangailangan. Na-amuse nga siya nang ikuwento ko sa kanya ang kalagayan mo. Siguro nanghinayang din siya sa makukuha mong mana kung hindi mo—"

"Sinabi mo sa kanya ang totoo?" bulalas niya.

Tinutop nito ang bibig. "Sorry, Ate. Nadulas kasi ako, eh. Nangako naman siya na hindi niya sasabihin kahit kanino."

Napaisip siya. "Siguro interesado siya sa pera. Puwes, bibigyan ko siya ng pera oras na makuha ko ang manang iyon para hindi ako magkaroon ng utang-na-loob sa kanya."

"Alam mo, hindi niya kailangan ang pera mo dahil..." Tumigil ito sa pagsasalita. "Teka, ibig sabihin ba niyan ay pumapayag ka na?"

Bumuntong-hininga siya, kapagkuwan ay tumango. Mahirap nang tumanggi sa pagkakataon at baka wala silang kauwian. Pagtitiyagaan na lamang niyang makausap ang bastos na Drew na iyon, tutal, nandiyan naman si Bambi upang samahan siya.

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon