PART 17

21.9K 557 3
                                    


DUMAMPOT si Issabella ng kalabasa mula sa rack ng mga gulay sa grocery store na pinuntahan nila ni Drew. Hindi siya makapaniwalang magkasama silang namimili. Magkaiba sila ng cart na tulak-tulak ngunit hindi ito nawawala sa tabi niya.

"Do you cook?" tanong nito.

"Siyempre naman."

Dumampot ito ng broccoli at carrots.

Nagtaka siya. Bakit nga pala ito namimili ng mga raw foods? May cook ba ito sa condo nito? "Ikaw, sino ang nagluluto para sa iyo?" hindi nakatiis na tanong niya.

"Myself," tugon nito.

She was surprised. "Totoo?"

"Yup. Mukha ba akong marunong lang kumain?"

"Hindi halatang marunong kang magluto."

"I live alone. Kaya natutuhan ko ang magluto para sa sarili ko."

"Nasaan ang parents mo?" curious na tanong niya.

"Nasa bahay nila."

"Bakit hindi kayo magkakasama?"

"I'm too old to be living with my parents."

Kunsabagay, lalaki ito. "Wala ka bang ibang trabaho bukod sa pagmo-model?" Naalala niyang nabanggit ni Bambi na may pag-aaring malaking kompanya ang pamilya ni Drew.

"Soon, magtatrabaho na ako sa family business. namin."

Tumango-tango siya habang pumipili ng mga bibilhin.

"Teka nga. Ba't parang panay yata ang tanong mo tungkol sa akin?"

Bakit nga ba? In the first place, bakit siya nakikipag-kuwentuhan dito na parang hindi siya naiinis dito? Nang balingan niya ito ay nakita niya ang nanunudyong ngiti sa mga labi nito.

Sasagot sana siya nang bigla ay may napabulalas sa likuran niya. Nakita niya ang isang matandang babaeng nakasalampak sa sahig. May mga nagkalat na canned goods sa sahig. Dadaluhan sana niya ito upang tulungang makatayo ngunit naunahan siya ni Drew. Inalalayan nitong makatayo ang matandang babae.

"Okay lang po kayo, Lola?" tanong nito sa matanda.

"Oo, hijo. Salamat."

"Sigurado kayo? Wala bang masakit sa inyo?"

"Hindi naman gaanong masakit."

Lumuhod siya at dinampot ang mga canned goods upang ilagay sa shelf. Lumapit ang isang babae na nagpakilalang anak ng matanda at kinuha ito. Mayamaya pa ay wala na ang mag-ina. Tinulungan siya ni Drew na ayusin sa shelf ang mga nahulog na de-latang pagkain.

Napatitig siya rito. He was not as smug as she thought he was. Marunong din pala itong tumulong sa kapwa at magdampot ng mga nahulog na canned goods sa isang grocery store tulad ng isang pangkaraniwang tao.

Nang araw na iyon ay may nagbago sa pagtingin niya rito. Hindi naman pala masamang tao ito tulad ng akala niya.

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon