PART 8

24.5K 592 2
                                    


NAKATITIG lamang si Issabella sa cover ng librong ibinigay sa kanya ni Tita Selena noon na hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa niya binabasa.

The Virgin Bible. Pakiramdam niya ay magkakasala siya kapag binasa niya iyon. Alam niya na kapag binasa niya iyon ay para na rin siyang nanood ng X-rated movie. Pero marahil ay tama si Bambi. Kailangan niyang mag-research tungkol sa bagay na nakatakda niyang isulat dahil mahirap nga naman ang magsulat ng isang bagay na wala siyang kaalam-alam.

Not that she was completely clueless about sex. She knew how it was done. Ang hindi niya alam ay kung ano-ano pang mga ritwal ang ginagawa ng mga tao sa kama sa modern generation kung saan liberated na ang mga tao. Limitado lamang ang kaalaman niya dahil hindi pa niya nararanasan ang bagay na iyon. Pinalaki siya ng kanyang mga magulang sa konserbatibong pamamaraan. Isa pa, pinili talaga niyang walang malaman tungkol doon. Para sa isang dalagang guro na nagmula sa isang konserbatibong pamilya, hindi disente ang maghangad ng bagay na iyon.

Nanginginig ang mga kamay na binuklat niya ang libro. Binasa uli niya ang mensaheng isinulat ng kanyang tita sa first page niyon.

Have SEX!

Bigla niyang naisara ang libro. Siguro nga ay iyon ang pinakamainam na paraan upang maisulat niya nang mahusay ang karugtong ng libro nito ngunit hindi niya kayang gawin iyon.

Binuklat uli niya ang libro at binasa ang table of contents. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa mga nabasang paksa na nakatala roon. Bubuklatin na sana niya ang libro nang maalala niya ang manuscript na ibinigay sa kanya ni Atty. Marquez nang nagdaang araw. Ang sabi nito ay kailangan niyang basahin ang buong libro upang madugtungan niya iyon. Pag-aralan din daw niya ang istilo ng kanyang tita sa pagsusulat. Kinakailangan kasi niyang gayahin ang paraan ng pagsusulat nito upang sa oras na matapos iyon ay hindi mahalatang ibang tao ang sumulat ng bandang hulihan ng libro.

Kinuha niya ang manuscript. Bago buklatin iyon ay huminga muna siya nang malalim. Alam niyang sa mababasa niya ay maaaring ma-corrupt ang kanyang isip ngunit hindi siya patatalo sa tukso.

Habang binabasa niya iyon ay naggitawan ang pawis sa kanyang noo kahit air-conditioned ang buong condo unit. Panay ang pagsinghap niya at panlalaki ng kanyang mga mata. Ramdam din niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi.

Biglang tumunog ang kanyang cell phone at halos maibato niya ang manuscript na hawak niya. Pakiramdam niya ay isa siyang estudyanteng nahuling nangongodigo ng guro. Nanginginig ang mga kamay na dinampot niya ang kanyang cell phone.

"Ate Issa, I have good news," bungad ni Bambi.

"Ano?"

"May nakuha na akong tutulong sa iyo sa project mo."

"Talaga?"

"Yup. Bukas kayo magkikita. Tuturuan ka niya sa lahat ng gusto mong malaman. In the meantime, magbasa-basa ka muna at mag-surf sa Internet para malaman mo kung ano ang 'sex.'" Humagikgik ito.

"Alam ko naman kung ano 'yon. Ano'ng akala mo sa akin, tanga? Science teacher ako kaya alam ko ang tungkol sa reproductive organs and human reproduction process."

"Alam mo nga ang reproductive organs at human reproduction process pero alam mo ba kung ano-ano ang ginagawa sa mga reproductive organs beyond science and—"

"Please stop."

Humagikgik uli ito. "It's about time you start being open-minded, Ate Issa. Pagkatapos naman nito ay magiging billionaire ka na."

Hindi nagtagal ay nagpaalam na sila sa isa't isa.

Afterwards, she spent her whole day reading the entire manuscript and eliciting gasps from her mouth.

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon