PART 20

22.8K 496 4
                                    


"OUR LESSON for today is about a man's sensitive body areas on the trunk part. These areas are highly responsive to touch. A man get easily aroused when a woman caresses these spots."

Nakayuko lang si Issabella sa kanyang notebook at isinusulat ang mga sinasabi ni Drew. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nasa isip pa rin niya ang larawan nito sa magazine. Pakiramdam niya ay namumula ang kanyang mukha.

Naramdaman niya nang tumayo ito. Nagtaka siya nang wala na siyang marinig mula rito. Kaya naman napagpasyahan niyang mag-angat ng tingin. Nanlaki ang kanyang mga mata at napanganga siya sa nakita.

He was shirtless! That view was way better than in the magazine. His trunk was perfect in the flesh. Noon lang siya nakakita ng katawan ng isang lalaki sa personal.

Napalunok siya. Pero bakit ibinabalandra nito ang katawan nito sa harap niya? Inaakit ba siya nito? Napahumindig siya sa naisip.

Napatayo siya. "A-ano 'yan? B-bakit ka nakahubad?" Tinakpan niya ng mga kamay ang kanyang mga mata.

"Hindi kasi ako nakagawa ng visual aids, eh. Kaya improvised visual aid na lang ang ipe-present ko. Kailangan kong ipakita sa iyo kung saan ang mga areas na sinasabi ko."

Tumalikod siya. "H-hindi ko kailangan ng visual aid."

"Bakit ba hindi ka makatingin? Does my naked body somehow affect you?"

Nahimigan niya ang panunudyo sa tinig nito. "Alam mo na hindi ako sanay na nakakakita ng ganyan."

"Puwes, sanayin mo na ang sarili mong makakita ng ganito dahil kailangan mo ito sa ginagawa mong pag-aaral. How could you write twenty-nine bedroom tips if you can't even stand seeing a man's body? Besides, wala namang malisya ito."

Baka nga siya lang ang nag-iisip na may malisya ang pagpapakita nito ng katawan sa kanya.

"Come on, Issa. Just look at it as a specimen in Science. You can't make an experiment without a specimen."

Napilitan siyang humarap dito. Itinutok niya ang paningin sa mukha nito. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang mukha. That must be the most awkward situation she had been in in her life.

Ngumiti ito. Nang magsimula itong mag-lecture habang itinuturo ang mga bahagi ng katawan nito ay nakadama siya ng panlalamig ng katawan. Kumakabog naman ang dibdib niya sa kaba. Nanginginig ang kamay habang isinusulat niya ang mga sinasabi nito.

Kung tutuusin, hindi malaswa ang lengguwaheng gamit nito sa pagtuturo. Pormal ang pagsasalita nito na animo isang guro ito para marahil hindi niya maramdaman na nababastos siya. Somehow, she knew he was considering her sensibilities. And that kind of helped her.

Ngunit sadyang nakakailang pa rin talaga. Medyo marami-rami na ring naituro ito sa kanya ngunit hindi niya alam kung makakaya niyang makabuo ng tips mula sa mga iyon kahit pa siniguro nito sa kanya na sa bawat pagtuturo nito ay may makukuha siyang ideya. At that point, she realized that what she needed was not only the knowledge but the enthusiasm or the passion to do it. She did not have an interest to do it at all. Natatakot siya na baka hanggang sa matapos ang pagtuturo nito ay wala pa rin siyang mabuong kahit isang tip.

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon