PART 27

23.1K 526 7
                                    



SHE WAS in love. Noon lamang naramdaman ni Issabella ang ganoon kalakas at kasarap na pakiramdam sa buong buhay niya. Mahal na nga niya si Drew. Napakabilis ngunit totoo.

Last night was the most wonderful night in her life. Indeed, she had experienced a lot of new things that night. Finally, she felt how to be kissed. Alam na niya ang pakiramdam ng hinahalikan at tama si Drew, napakasarap niyon sa pakiramdam. Matagal at mainit ang halik na pinagsaluhan nila nang nagdaang gabi.

Nang huminto ito sa paghalik sa kanya ay ayaw pa nga niyang humiwalay rito, shame on her. Nakakawala naman kasi sa huwisyo ang halik nito. Wala na siyang pakialam kahit hindi tama para sa isang babae ang magpahalik sa hindi naman nobyo nito. Ganoon siguro yata talaga kapag umiibig.

"About last night..."

Mula sa pagtitig sa notebook ay nag-angat siya ng tingin kay Drew. Hindi niya mabasa ang emosyong nakapaloob sa titig nito. But, no, he could not be sorry about last night. Please don't say you're sorry about kissing me, piping hiling niya.

"It was..."

A mistake? Please don't say it is.

"It was wonderful."

Umisod ito palapit sa kanya. "I want a repeat," pabulong na sabi nito. He looked at her lips with longing.

"D-Drew..."

When he cupped the back of her head and kissed her, she did not protest. He kissed her ever so softly. Ingat na ingat at tila ninanamnam nang mabuti ng mga labi nito ang mga labi niya. After a while, his kiss became thorough and deep. And again, she was lost.

"Issa..."

"Hmm?" Hindi pa rin niya magawang idilat ang mga mata kahit pinakawalan na nito ang mga labi niya.

"Will you be mine?"

Noon siya napadilat. Nakita niya ang pag-asam sa mga mata nito. "Drew..."

"Will you be my girl?"

"Y-you want me to be your girl?" she said, stammering.

"Yeah," he answered while staring at her face lovingly.

"Why?"

"Because I want to be with you. I want to know you more."

Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. "And I want to kiss those sweet lips everyday."

Gusto rin niya iyon. Gusto niyang makasama ang taong mahal niya. Hindi na marahil kailangan pa ng ligawan dahil hindi naman uso sa Maynila iyon at alam niyang hindi alam ni Drew kung paano ang manligaw sa tradisyonal na paraan. Isa pa, dapat pa ba siyang magpakipot gayong dalawang beses na siyang nahalikan nito?

Matagal na sandaling ang mga mata lamang nila ang nag-usap bago siya nakaapuhap ng salita.

"Yes."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Ngumiti rin siya. Napakasaya niya. When he claimed her lips again, she responded to his kiss willingly.


NOTE: Please take note that there are a few deleted scenes. Those scenes are exclusively for those who have a copy of this book. Thank you.  -<3Yngrid

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon