PART 31

25K 525 4
                                    



"HEY, YOU want to be my raging cow? I'll ride you for as long as you like," nang-aakit na wika ni Riana nang mabungaran ito ni Drew sa labas ng pinto ng kanyang pad.

She was dressed like a cowgirl. May dala pang latigo ito. Kung noon ay natutuwa siya sa iba't ibang roles at costumes nito, ngayon ay nawalan na ito ng pang-akit sa kanya.

Lumagok siya ng beer mula sa hawak na bote. "I told you not to come here anymore, Riana."

Matagal na niyang sinabihan nang maayos ito na hindi na siya game sa mga pakulo nito ngunit punta pa rin nang punta ito sa condo unit niya isang beses isang linggo kahit hindi na niya ine-entertain ito. Ganoon din ang sinabi niya kina Lindy at Daphne nang tumawag ang mga ito.

"Why not?" nakalabing tanong nito.

"I told you I have a girlfriend now."

"No. You don't have a girlfriend anymore."

Nabitin ang muling pag-inom niya sa bote at tinitigan ito. "How did you know?"

"I can sense it."

Nagpakawala siya ng nababagot na buntong-hininga. "Whatever. I don't like this game anymore, Ria. I'm sorry."

"Ano ba'ng nakita mo sa babaeng iyon?"

Ano nga ba ang nakita niya kay Issabella? Maraming mas maganda kaysa rito, mga babaeng game, walang kiyeme, at kaya siyang paligayahin. Pero sa kama lang siya napapaligaya ng mga babaeng iyon while Issabella could make him happy even without sex. Kahit pa marami itong hindi alam tungkol sa modernong pakikipagrelasyon. Kahit pa maraming reservations ito. Kahit pa magkaibang-magkaiba ang mga personalidad nila. Kahit pa hanggang yakap at halik lang ang kayang ibigay nito sa kanya.

He had never wanted any woman before like he wanted her. But she proved to be a user. Hindi siya makapaniwalang nagawa siyang pasakayin at lokohin nito nang dahil sa mana nito. Kunsabagay, napakalaki nga naman ng katumbas na halaga ng mamanahin nito.

"Please, Ria. I want to be alone."

Tumalim ang mga mata nito at umirap ito. Pagkatapos ay dinampot nito ang coat na nakakalat sa sahig at isinuot. Naglakad na palayo ito. Ganoong-ganoon din ang reaksiyon nito noong mga nagdaang punta nito roon ngunit balik pa rin nang balik ito.

Iyon na ang kahuli-hulihang beer sa refrigerator niya kaya nagpasya siyang lumabas at sa isang bar ipagpatuloy ang pag-inom. Habang nakaupo siya sa stool sa harap ng bar counter ay may ilang babaeng customers na lumapit sa kanya ngunit wala siyang kinausap sa mga ito.

May isang kamay na kumalabit sa kanya. Hindi sa babae iyon kundi kay Bambi. Hindi sana niya papansinin ito ngunit kapag ginawa niya iyon ay ipapakita lang niya rito na apektado pa rin siya sa ginawa nito at ni Issabella sa kanya kaya napilitan siyang ibalik ang pagbati nito. Umupo ito sa tabi niya.

"Kumusta ka na, Papa Drew? Galit ka pa rin ba?"

"Wala na sa akin 'yon," pagsisinungaling niya.

Bumuntong-hininga ito. "I'm sorry talaga. Ang totoo, pinuntahan kita sa condo mo. Ang kaso, nakita kitang lumabas ng elevator sa lobby kanina. Hindi mo ako nakita. Sinundan kita hanggang dito kasi nga gusto ko nang makipag-reconcile sa iyo dahil hindi ko na kaya ang thought na nagagalit ka sa akin."

"Kumusta na si Issa? By this time, nakuha na siguro niya ang mana niya, 'no? Mayaman na siya. Masaya na ba siya?" Naisipan niyang itanong iyon sa kaswal na paraan para hindi nito isipin na masyado siyang interesado sa paksa ng itinanong niya.

"Ang totoo niyan, hindi niya tinanggap ang mana niya."

Nabitin ang muli sanang paglagok niya ng alak. Napabaling siya rito. "Ano'ng sabi mo?"

"Hindi niya tinanggap ang mana niya. Ang masama pa nito, three days na lang ang natitira sa palugit para tanggapin niya ang mana niya. Kapag hindi pa niya tinanggap iyon pagkatapos ng tatlong araw, gobyerno na ang makikinabang n'on."

"Bakit hindi niya tinanggap? Hindi ba gustong-gusto niyang makuha iyon?" naguguluhang tanong niya.

"Hindi raw niya kayang tanggapin ang mana dahil hindi niya nagawa ang ipinapagawa ng tita niya. Hindi niya naisulat ang karugtong ng libro dahil ikaw nga ang gumawa n'on at hindi siya."

"And so? Kaya nga ginamit niya ako para makuha ang manang iyon, eh. Bakit ngayon ay biglang hindi niya tatanggapin ang mana dahil lang hindi siya ang gumawa ng iniuutos sa proviso?"

Tumikhim ito. "Ang totoo, Papa Drew, hindi naman talaga mukhang pera si Ate Issa. Hindi naman talaga iyong mana niya ang dahilan kung bakit nakipaglapit siya sa iyo."

Napakunot-noo siya sa sinabi nito.


Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon