"TODAY, our lesson would be about the different parts of a flower," wika ni Issabella sa harap ng kanyang mga estudyante. "Sino rito ang may garden sa bahay na maraming bulaklak?"
May iilang nagtaas ng kamay.
"Marvin," tawag niya sa isang nagtaas ng kamay. "Stand up. Ilarawan mo nga sa classmates mo kung ano ang hitsura ng garden ninyo."
"Ang garden namin ay maraming bulaklak. Iba't iba ang kulay at ang babango ng mga iyon. Lagi kaming nandoon ng mama at papa ko at saka..."
Napangiti siya. Nakita na niya ang hardin na inilalarawan nito dahil minsan na siyang nagtungo sa bahay nito para sa teacher's visit. Napakagandang pagmasdan ang mga bulaklak sa hardin ng bahay nito. Sa katunayan, magandang venue iyon para sa magnobyong naglalambingan.
Napalis ang ngiti niya sa naisip. Sa ganoong klaseng lugar niya pinapangarap na magkayakap sila ni Drew at masayang-masaya. Hindi na mangyayari ang pangarap niya. Sa panaginip na lang matutupad iyon.
Mahal na mahal pa rin niya ito at may pakiramdam siyang habang-buhay siyang pahihirapan ng damdaming iyon. She wondered how he was doing. Siguro ay kasama nito si Riana noong isang gabi at itinuloy na ng mga ito ang giyera sa kama. Nang nagdaang gabi naman ay malamang na si Daphne—na mukhang bubusugin ito ng erotic auditory cues—ang kasama nito. Mamayang gabi ay ibang babae naman siguro na iba naman ang style na pang-akit sa kama ang makakasama nito.
It hurt her a lot to think about those things. Pero ano ang karapatan niya para masaktan? Hindi naman siya nobya ni Drew.
"Ma'am!"
Isang tinig ang nagpabalik sa lumilipad na diwa niya sa kasalukuyan. Noon lang niya namalayang tapos na pala sa pagkukuwento si Marvin at nakaupo na ito sa silya nito. Lumipad ang tingin niya sa pinagmulan ng tinig. Napatda siya sa nakitang lalaki na nakaupo sa back row at nakataas ang kamay.
Drew! Ikinurap-kurap niya ang mga mata sa pag-aakalang namamalikmata na naman siya ngunit totoong naroon ito. Ano ang ginagawa nito roon?
"Ma'am, I have a question," sabi nito. "Can we talk?"
Hindi pa rin niya magawang makapagsalita. Lahat ng estudyante niya ay nakatingin dito. Tumayo ito at lumakad sa gitnang aisle patungo sa kanya. Nakatutok sa kanya ang mga mata nito.
Bumilis ang tibok ng puso ni Isabella. Nang tumigil ito sa harap niya ay nakadama siya ng pagnanais na yakapin ito ngunit gaga siya kung gagawin niya iyon. She missed him so much. Ngayong nasa harap uli niya ito ay lalo niyang napatunayan na mahal talaga niya ito. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"I want to talk to you."
"May klase ako."
Lumingon ito sa mga estudyante niya. "Class, puwede ko bang hiramin si Teacher?"
"Opo," sabay-sabay na sagot ng mga estudyante niya.
"Bakit kailangan mong manggulo sa klase ko?" tanong niya.
"Dahil marami tayong dapat liwanagin sa isa't isa."
"Paano mo nalaman ang lugar na ito?"
"Kay Winda. Sinamahan ako ni Bambi papunta rito sa Vigan."
"Si Bambi?"
"May mga sinabi siya sa akin at gusto kong liwanagin ang lahat ng iyon."
Napapikit siya. Sukol na siya. Malamang na sinabi na rin ni Bambi rito na mahal niya ito. Walang karapatan ito na malaman ang katotohanang iyon.
"Totoo bang ang dahilan kung bakit ka umalis ay dahil nakilala mo si Riana at nakausap mo sa telepono si Daphne?"
"Ang mga babae mo?"
"Noon."
"Ano'ng ibig mong sabihing noon?"
"Dahil mula nang yayain kitang maging girlfriend ko ay hindi na ako nakipagkita pa sa kanila. Sila lang ang punta nang punta sa pad ko at tawag nang tawag sa akin. Pero pinutol ko na ang kaugnayan ko sa kanila. Inisip mo ba talaga na isa ka sa kanila?"
"Hindi ba? Playboy ka. Iyon ang image mo."
"And you depended on that? Hindi mo ba naisip na iba ka sa kanila? Hindi mo ba naisip kung bakit nirespeto kita at nagpakahirap akong gawin ang twenty-nine tips na iyon para sa iyo?"
Hindi siya nakaimik.
"Hindi mo ba naramdaman na masaya ako kapag kasama kita? Na gustong-gusto kong nakikita ka kaya parati akong nakadikit sa iyo? I always called you up first thing in the morning. I always wanted to see you as soon as I wake up. I cooked for you and I never cooked for any woman before."
"H-hindi ko alam. Malay ko ba kung gano'n ka sa lahat ng babae mo."
"You doubted what I feel for you?"
"You never told me what exactly you feel for me."
"It's because I didn't realize it then. All I knew was that you were the first woman who made me feel so happy and I wanted to be with you everyday. Naiparamdam ko naman ang nararamdaman ko para sa iyo, 'di ba?"
She looked up at him anticipatingly. "Ano ba ang nararamdaman mo para sa akin?"
He stared in her eyes lovingly as he raised his hand to touch her cheek. "I love you."
Sa pakiwari niya ay lumundag ang puso niya sa sobrang kasiyahan dahil sa sinabi nito.
"I miss you. I've been in hell for more than two weeks without you."
"Drew..." Naramdaman niya ang pangingilid ng mga luha niya.
"Tanggapin mo ang mana mo. Pinaghirapan ko ang twenty-nine tips na iyon para sa iyo. Malulungkot ako kung hindi mo makukuha ang dapat mong makuha. Hindi na mahalaga kung sino ang nagsulat n'on. Ang mahalaga ay boluntaryo at buong pusong isinulat iyon ng nagsulat para sa iyo."
Yumakap siya rito. "Thank you, Drew. Maraming-maraming salamat."
"Anong salamat? May kapalit iyon."
"Twenty-nine kisses?"
"That and more." May inilabas itong singsing mula sa bulsa ng pantalon nito.
Napasinghap siya nang makita ang diamond ring. She stared at him wide-eyed.
"Marry me. So we could finally practice everything I taught you," he said, grinning naughtily.
She laughed even though she was teary-eyed. "You pervert!"
Isinuot nito ang singsing sa daliri niya. It was beautiful and it looked very expensive. Ngunit hindi ang ganda at kinang niyon ang nakapagpasaya sa kanya kundi ang sinisimbolo niyon. Gusto siyang pakasalan ng lalaking mahal niya. Hindi siya makapaniwala.
"Funny but I realized I taught you about sex, you taught me about love."
She chuckled and hugged him tight.
"Yipeee!" naulinigan niyang hiyawan.
Bigla siyang napabitiw kay Drew nang maalala niyang nasa harap pala sila ng mga grade three pupils niya.
NOTE: Thank you for reading! Don't forget to hit vote! :) -<3Yngrid
BINABASA MO ANG
Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]
RomanceIssabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her lifestyle was old-fashioned and her values were conservative. In short, isa siyang manang. Ikinabig...