PART 10

23.5K 584 5
                                    


NARAMDAMAN ni Issabella ang pagsiko sa kanya ni Bambi. Hindi kasi niya maialis ang simangot sa kanyang mukha habang kaharap ang bastos na lalaki.

"You have a very interesting situation, Issa," sabi ni Drew habang nakataas ang isang sulok ng mga labi.

"Oo nga, Papa Drew. Naloka nga ako, eh. Biruin mo, sino ang mag-aakalang magkamag-anak pala sila ni Selena Worth? They are complete opposites."

"Sshh!" pasimpleng saway niya rito. Baka may makarinig dito na ibang tao. Hindi niya ginawa iyon dahil nahihiya siyang maging tita si Tita Selena. Ayaw lamang niyang kumabit sa pangalan ng isang sikat na tao dahil gusto niya ng tahimik na buhay.

"Saka nakakaloka itong si Ms. Selena kasi parang inasar niya ang pamangkin niya sa gustong ipagawa kay Ate Issa." Humagikgik pa ito.

Ngalingaling batukan niya si Bambi. She saw Drew smile. Mukhang amused na amused ito sa sitwasyon niya. She twitched her lips.

"Hindi ko alam kung bakit ka pumayag. Pero babayaran ko ang serbisyo mo," sabi niya.

"Sure," sagot nito.

Mukhang mayaman at walang problema sa pera ito. Pero ang alam niya, ang mga mayayaman ay gusto pang magpayaman at nakikini-kinita niyang malaking halaga ang hihilingin nito considering na malaki ang kayamanang iniwan ng kanyang tita. "Magkano ba ang gusto mo?"

"Hindi ako nagpapabayad ng pera."

Kumunot ang kanyang noo. "Kung gano'n, ano ang gusto mong kabayaran?"

"Saka na natin pag-usapan iyon. Let's talk about our setup. It would be like a tutorial class, right?"

"Tutorial class?"

"Yes. What you need are lectures about the subject you have to write about. Bambi told me your story and I think, for someone like you, one sitting is not enough."

"What do you mean for someone like me?"

"Conservative, modest, and virginal. It's going to be hard for you to continue writing a book like that if you seem to know nothing about the subject."

"So, ano ang gusto mong mangyari?" Parang hindi niya nagugustuhan ang tinutumbok ng mga salita nito.

"I'll teach you about men and sex," walang gatol na tugon nito.

Her eyes widened.

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon