"PAPA Drew, ano'ng nangyayari? Magkakilala ba kayo ni Ate Issa?" tanong ni Bambi.
Mula sa babaeng sinundan ni Drew ng tingin ang paglayo ay inilipat niya ang mga mata sa make-up artist. "Papa Drew" ang nakasanayan nitong itawag sa kanya. "We just had a little misunderstanding earlier. Kaano-ano mo siya?"
"Best friend siya ng sister ko sa Vigan."
"Probinsiyana. Kaya pala." That explained the conservativeness. Pero alam din niyang hindi lahat ng probinsiyana ay ganoon manamit at umakto. Marahil ay talagang manang lang ito.
"Yes. Probinsiyana. Virgin pa kaya gano'n siguro kasungit." Humagikgik ito.
Napangiti siya.
"Pasensiya ka na kung medyo natarayan ka niya, ha? May problema lang kasi siya, eh."
"Problema? Ano naman ang problema niya?" curious na tanong niya.
"Ganito kasi 'yon..." Natigilan ito at napatitig sa kanya.
"What?" nagtatakang tanong niya.
Napangiti ito. "Perfect."
"What are you talking about?"
"You see, that woman has a problem and I think you could help her," nakangiting sabi nito. "Of course, iyon ay kung papayag ka."
Kumunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]
RomanceIssabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her lifestyle was old-fashioned and her values were conservative. In short, isa siyang manang. Ikinabig...