KINAGABIHAN ay nagpasya si Issabella na gawin ang homework niya—ang manood ng mga kissing scenes. Siguro nga ay napakasarap sa pakiramdam ang mahalikan. Pinangarap na rin niya minsan na mahagkan siya ng lalaking mahal niya.
Habang naghahalikan ang mga bida ay tila biglang nag-iba ang hitsura ng lalaki. Mukha ni Drew ang nakita niya at siya ang babaeng hinahagkan nito!
Napasinghap siya. Dali-daling hinubad niya ang salamin sa mga mata at pinunasan ang lente niyon ng laylayan ng suot na blouse. Nang isuot uli niya iyon ay bumalik na ang mukha ng mga bida. Napahawak siya sa dibdib. Was she imagining things o sadyang malabo lang ang lente ng salamin niya?
Nag-flash sa kanyang isip ang mga labi ni Drew na kanina ay tinitigan niya nang wala sa loob. Siguro ay napakagaling nitong humalik.
Ipinilig niya ang ulo. Bakit ba bigla-bigla ay nagkaroon siya ng ganoong isipin? At bakit ba si Drew ang iniisip niya?
Nasaan kaya ito nang mga sandaling iyon? Babae kaya ang tumawag dito kanina? May kasama kayang babae ito nang mga sandaling iyon? Sukat sa naisip ay nakadama siya ng inis. Posible ang iniisip niya. Ang mga lalaking katulad nito ay tila hindi makakatiis na walang babae sa tabi ng mga ito.
Pinatay niya ang telebisyon. There was no use watching the movie. Nakikita nga niya ngunit hindi naman niya nararamdaman ang eksena. Hindi rin niya malalaman sa panonood ang pakiramdam ng hinahalikan. Nagbasa na lang siya ng Cosmopolitan magazine na binili ni Drew para sa kanya. Bagong issue iyon at naka-plastic pa nang bilhin nito sa grocery store kanina.
Alam niyang pambabae ang magazine na iyon ngunit hindi pa siya nakakabasa niyon. Ang akala niya ay puro sa fashion lang at ilang paksang pangkababaihan ang laman niyon ngunit nang basahin niya ay nakita niyang halos lahat ng paksa roon ay tungkol sa sex.
Nagulat pa siya nang makita sa isang pahina si Drew na tanging tapalodo lang ang suot! Tatak ng isang US brand ng men's underwear ang iminomodelo nito sa buong pahinang iyon. He was a model. Natural lang para dito ang magbilad ng katawan sa publiko.
Nagdalawang-isip siya na titigan ang larawan nito ngunit sa bandang huli ay napagdesisyunan niyang sipatin ang nakabilad na katawan nito. Natutop niya ang bibig sa napagmasdan.
BINABASA MO ANG
Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]
RomanceIssabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her lifestyle was old-fashioned and her values were conservative. In short, isa siyang manang. Ikinabig...