"OMG, ATE Issabella! Ikaw ba 'yan?" tila gulat na gulat na bulalas ni Bambi nang makita siya nito sa lobby ng gusaling pinagtatrabahuhan nito. Wala silang klase ni Drew nang araw na iyon dahil may mahalagang appointment daw ito kaya napagpasyahan niyang puntahan si Bambi sa opisina nito.
Nanibago siguro ito sa hitsura niya dahil wala siyang suot na salamin sa mga mata at nakalugay ang buhok na lampas-balikat ang haba. "Ang OA nito."
"Omigosh! Ikaw nga, judging from the outfit. But in fairness, may face ka naman pala kapag wala kang salamin a la Betty la fea at naka-down ang iyong hair. Hmm... siguro kapag nagbihis ka nang maayos at nag-make up ka nang kaunti ay magmumukha ka nang ganap na tao, Ate. Come on, doon uli tayo mag-usap sa dressing room."
"Kumusta na ang tutorial class mo with Papa Drew?" tanong nito nang makapasok sila sa dressing room na walang ibang tao kundi silang dalawa lang.
Bumuntong-hininga siya. "Heto. Kahit marami-rami na ring naituro si Drew, wala pa rin akong maisulat kahit isang tip."
"Bakit naman?"
"Hindi ko pa rin talaga kaya, eh. Kahit sinubukan ko nang magsulat, ang pangit ng kinalabasan. Hindi ko kayang gayahin ang writing voice ng isang sexologist. Kahit maghapon at magdamag akong bigyan ng lecture ni Drew, hindi ko rin kakayaning mag-isip na tulad ng isang sex expert dahil wala pa akong karanasan sa bagay na iyon."
"Hay, paulit-ulit na lang tayo. But I totally understand you, you know. Mahirap talaga para sa isang virgin at overconservative na tulad mo ang magsulat ng gano'n. Kaya lang, isipin mo ang mawawala sa iyo."
Napabuntong-hininga siya. "Kaya kita pinuntahan kasi gusto ko sanang magpatulong sa iyo na kumbinsihin si Drew na siya na lang ang magsulat para sa akin."
Umarko ang kilay nito. "You mean, ang ipinapa-ghostwrite sa iyo ay ipapa-ghostwrite mo sa iba? Nakakaloka! Hindi kaya multuhin ka ng ghost ng tita mo dahil mandadaya ka?"
"Iyon na ang pinakamagandang solusyon na naisip ko."
"Sinubukan mo na bang kausapin si Papa Drew tungkol diyan?"
"Oo. Kaya lang, hindi siya pumayag. Kaya gusto kong magpatulong sa iyo dahil malakas ang convincing power mo. Napapayag mo siya na tulungan ako kaya baka mapapayag mo rin siyang magsulat para sa akin."
"Hindi ko naman siya kinumbinsi noon na tulungan ka. Mukhang naaliw lang siya sa sitwasyon mo kaya pumayag siya without second thoughts. Ano naman ang appeal ng alindog ng isang gay na tulad ko sa isang hunk na tulad niya? Money? No way! He had lots of it. Babae! Sexy at magandang babae lang ang may convincing power kay 'Papa' Drew."
Saan naman siya kukuha ng isang sexy at magandang babae na kukumbinsi kay Drew? Para na ring sinabi ni Bambi na wala silang pag-asa na makumbinsi ang binata sa gusto niyang mangyari.
Napansin niya ang paghagod ng tingin ni Bambi sa kabuuan niya. Naglakad ito palapit sa closet at hinawi-hawi ang mga damit doon na tila may hinahanap.
"Isukat mo nga ito, Ate," anitong ang tinutukoy ay ang pulang bestidang inilabas nito mula sa closet. Walang manggas iyon at mukhang hapit sa katawan.
"Bakit ko naman isusukat 'yan?"
"Basta."
"Hindi pa ako nakakapagsuot ng ganyang klaseng damit kahit kailan."
"Sukat lang naman, eh."
Pumayag na siya dahil alam niyang kukulitin siya nito hanggang sa mapapayag siya. Isinuot niya ang damit sa loob ng isang cubicle. Paglabas niya ay suminghap ito.
"I can't believe it! May korte ka pala?"
"O, pa'no, huhubarin ko na?" Akmang babalik na siya sa loob ng cubicle ngunit pinigilan siya nito. Hinila siya nito at pinaupo sa silya sa harap ng salamin. Dinampot nito ang make-up box.
"Ano'ng gagawin mo?"
Ngumiti ito. "Makeover."
Pagkalipas ng ilang minuto ay ibang-iba na ang kanyang hitsura. Nagulat siya sa laki ng pagbabago ng anyo. Ginamitan ni Bambi ng electric curler ang buhok niya at nilagyan siya ng makeup. Hindi niya akalaing maaari siyang gumanda nang ganoon.
"The ugly duckling had turned into a swan," sabi nito. "I'm sure na maraming lalaki ang hahanga sa iyo, Ate. Maaaring isa sa mga iyon si Drew."
"Ha?"
"Akitin mo siya."
"Ano?"
"Akitin mo si Drew para makumbinsi mo siyang pumayag na maging ghostwriter ng ghostwriter ng isang ghost."
Nakuha niya ang ibig sabihin nito. Siya, aakitin si Drew? "Sira ka pala, eh! Paano ko aakitin si Drew? Hindi ko nga kayang magsulat ng racy book, ang mang-akit pa kaya."
"Hindi mo naman siya aakitin as in 'seduce.' Maging kaakit-akit ka lang tingnan habang kinukumbinsi mo siya and I'm sure, hindi ka mapapahindian ni Papa Drew."
BINABASA MO ANG
Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]
RomanceIssabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her lifestyle was old-fashioned and her values were conservative. In short, isa siyang manang. Ikinabig...