SINABI ni Issabella kay Bambi sa telepono na naigawa na siya ni Drew ng twenty-nine tips. Natuwa ito para sa kanya. Nagpasalamat siya rito dahil malaki rin ang naitulong nito sa kanya. Nasa Amerika si Atty. Marquez nang mga panahong iyon kaya ipinadala na lang niya rito sa e-mail ang karugtong ng manuscript ni Tita Selena. Ang sabi ng abogado ay ipapabasa muna nito sa editor ang manuscript at kung maa-approve iyon ay saka pa lang nila pag-uusapan ang tungkol sa pagpapasakamay niya ng mana niya.
Alam niyang matatanggap iyon. Binasa niya iyon at napahanga siya ni Drew dahil gayang-gaya nito ang style at voice ng tita niya sa pagsusulat. Wala na siyang aalalahanin pa. Solved na ang problema niya. May guilt siyang nadarama dahil ipinagawa niya sa iba ang misyon niya ngunit alam niyang maiintindihan ng tita niya ang ginawa niya. Naghirap din naman siya bago niya nakamtan ang karugtong ng manuscript. Hindi birong stress ang ibinigay sa kanya niyon.
Kung may magandang idinulot sa kanya ang pagkakasadlak sa sitwasyong iyon, iyon ay ang makilala niya si Drew. Napakalaki ng utang-na-loob niya rito at hindi niya alam kung paano mababayaran ito. She knew that twenty-nine kisses would not be enough payment for his great help.
Hindi siya pinabayaan nito. Hindi madali kahit sa isang tulad nito ang mag-isip at gawin ang hinihingi sa manuscript ng tita niya lalo na at hindi naman ito professional writer ngunit ginawa pa rin nito iyon para sa kanya. Nakasisiguro na siyang mahal din siya nito. Mahal na mahal niya ito at ito ang lalaking gusto niyang makasama habang-buhay.
Napatingin siya sa librong ibinigay sa kanya noon ng tita ni Isabella. Isinara niya ang laptop at dinampot ang libro. Binasa uli niya ang dedication ng tita niya roon. Napangiti siya. Noon niya naalala ang sinabi nito noon sa kanya.
"I'm not talking about having sex with someone you don't know just to get it over with. Rather, have sex with someone you love. That is the sweetest thing."
Maybe Tita Selena was right. Doing "it" with someone she loved was indeed the sweetest thing. She was not ready to heed her advice yet. But she would definitely give herself to the person she loved. And it would be Drew.
Kinabukasan, pagkatapos niyang hatiran si Drew ng ulam para sa hapunan sa pad nito at makakain sila ay nagpaalam kaagad ito dahil may boy's night out daw ito kasama ang mga kaibigan nito. Birthday raw kasi ng isa sa mga kaibigan nito. Nagpaiwan na lang siya sa pad nito upang iligpit at hugasan ang pinagkainan nila. Nagmamadali kasi ito.
Napagpasyahan niyang manatili roon at hintaying makauwi ito.
Nakarinig siya ng mga katok sa pinto. Hindi na niya pinagkaabalahang tingnan sa monitor ng video camera kung sino ang dumating dahil alam niyang si Drew iyon. Pero hindi ito ang bumungad sa kanya kundi isang babaeng naka-military camouflage outfit na sexy ang yari dahil strapless. Short shorts ang katerno niyon. May suot din itong itim na leg stockings at high-heeled shoes. May nakasukbit pang baril sa balikat nito. Noon lang siya nakakita ng ganoon ka-sexy na sundalo na hindi mukhang lalaban sa giyera.
"Who are you?" tanong nito sa kanya sa pasitang tono. "Where's Drew?"
"Si Drew? Sino ka? Bakit hinahanap mo si Drew?"
Umarko ang kilay nito. "Well, I'm Riana and we're going to have a war in bed."
Napanganga siya sa sinabi nito. War in bed? Pumasok sa isip niya ang isa sa mga natutuhan niya mula kay Drew: sexual role play. Kaya ba ganoon ang suot nito?
"Tell Drew I'm here."
May nadama siyang kirot sa dibdib. Ganoon pala ang ginagawa ni Drew. Sumisiping pa rin pala ito sa ibang babae kahit magnobyo na sila. Kunsabagay, hindi niya kayang ibigay ang pangangailangan nito na nasa pyramid of a man's needs. Pero malinaw na pagtataksil ang ginagawa nito.
Sasagutin sana niya ang babae nang bigla ay maulinigan niya ang pagtunog ng telepono mula sa loob ng pad. Hindi sana niya papansinin iyon ngunit naisip niyang baka si Drew iyon. Maganda siguro kung makausap nito ang babae nitong inindiyan nito sa giyera sa kama.
"Sandali lang," sabi niya sa babae. Pumasok uli siya sa loob ng bahay at dinampot ang wireless phone.
"Drew," bungad kaagad ng isang babae. "I feel so..."
Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na telepono dahil sa mga malalaswang salitang sinabi ng babae. Isa iyon sa mga natutuhan niya mula kay Drew. A man liked a woman to stimulate him verbally.
Basta na lang niya ibinagsak ang telepono sa couch. Parang sasabog ang dibdib ni Isabella dahil sa sobrang sakit at galit na nararamdaman niya. Hindi pala tumigil ito sa mga kalokohan nito kahit may relasyon na sila. At marahil, hindi lang sina Riana at Daphne ang pinagsasabay-sabay nito.
At siya? Sino siya sa buhay nito? Maybe she was different among his women. Conservative kasi siya at hindi madaling madala sa kama pero isa rin siya sa mga babaeng pinagsasabay-sabay nito. Siguro ay kumukuha lang ito ng tiyempo at dadalhin din siya nito sa kama. Marahil ay sadyang kinukuha muna nito ang loob niya bago siya yayain na makipagtalik dito.
"So, wala pala si Drew dito."
Napatingin siya sa babae na hindi niya namalayang pumasok pala sa loob at mukhang hinanap na ang binata sa buong bahay.
"Who are you? Are you his sister or what?" tanong nito.
I'm just one of his women. Pinigilan niyang mapaluha sa sinabi niya sa isip. "You can go now. Paalis na rin ako."
Tumigil ito sa harap niya. "Are you one of his women?"
Napatingin siya rito.
"Well, there's no need to get teary-eyed. Sa umpisa pa lang, dapat ay alam mo na ang pinasukan mo." Hinagod siya nito ng tingin. "You seem like the type of girl who demands love and marriage from a man. I'm sorry, girl, but you got into the wrong man. Drew is not the type to fall in love. He's not the marrying type. Kaya kung hindi mo kaya ang patakaran niya sa pakikipagrelasyon, iwan mo na siya. Para sa iyo rin iyon. Para hindi ka na masaktan."
Wala na ito sa harap niya ngunit hindi pa rin siya kumikilos sa kinatatayuan niya. Naramdaman na lang niya ang pagpatak ng mga luha niya.
BINABASA MO ANG
Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]
RomanceIssabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her lifestyle was old-fashioned and her values were conservative. In short, isa siyang manang. Ikinabig...