PART 25

23.6K 514 2
                                    


SA TOTOO lang, parang dumadaan na lang sa pandinig ni Issabella ang mga itinuturo ni Drew. Tila hindi pumapasok sa isip niya ang mga iyon dahil abala siya sa ibang bagay. Para siyang estudyanteng lumilipad ang isip sa kung saan habang nasa kalagitnaan ng klase.

She was daydreaming about her and Drew. They were walking in a garden-like place filled with beautiful flowers, holding each other's hand, and laughing. Then he paused to kiss her and hug her tight.

In the middle of her daydream, a realization hit her. She was developing a certain feeling for him. Isang damdamin iyon na hindi niya madalas maramdaman para sa isang lalaki. Nagkakagusto na siya kay Drew.

Marahil ay dahil sa mga nakalipas na araw na nakasama niya ito ay napatunayan niyang mali ang unang impresyon niya rito. He was nice and surprisingly, a gentleman. May-kapilyuhang taglay ito ngunit hindi pervert ito. Kung pakiramdam niya ay nabastos siya nito noong mga unang encounters nila, marahil ay dahil lang iyon sa kanilang magkasalungat na personalidad at pananaw sa buhay.

Kaya niya tinanggap ang pagbabago ng hitsura ay hindi lang dahil sa suhestiyon ni Bambi kundi dahil din sa sinabi sa kanya ni Drew tungkol sa pagbabago at pagsubok sa mga bagong bagay. Siguro nga ay masyado siyang naging dogmatic. Sarado ang kanyang isip sa maraming bagay at ang mga pinaniniwalaan lang niya ang tanging tama at mahalaga para sa kanya. Nakakatuwang isipin na nang dahil sa damdamin niya para sa isang lalaki ay may natutuhan siyang isang bagay.

"Are you with me?" pukaw ni Drew sa naglalakbay na diwa niya.

"Huh?"

He smiled. "Hindi ka na nagte-take down ng notes. Hindi ka nakikinig. Boring ba akong teacher at mukhang kung saan-saan lumilipad ang isip mo?"

Kung alam lang nito kung saan lumilipad ang isip niya. "Hindi. May naisip lang ako."

"Ang mabuti pa, let's call it a day."

"Ha?" Nakadama siya ng panghihinayang dahil sa sinabi nito. Dati-rati ay halos hilahin na niya ang oras para matapos na ang klase nila ngunit ngayon ay tila ayaw pa niyang matapos ang sandaling kasama niya ito.

"Pero..." Lumipad ang tingin niya sa orasan. Mag-aalas-sais na ng gabi. Maggagabi na rin pala.

"Labas na lang tayo."

"Lalabas tayo?" Niyayaya ba siya nitong mag-date? "Saan tayo pupunta?"

"We'll eat out."

Lihim siyang na-excite sa ideyang magkakasama sila. "Sige."

Dinala siya nito sa isang French restaurant. Hindi pa siya nakakatikim ng French cuisine kaya natuwa siya sa mga natitikmang bagong pagkain.

"Thanks for the food. At least, ngayon ay nakakain na ako ng French cuisine. This is a new experience. Thank you for bringing me here," sabi niya nang lumabas na sila ng restaurant.

"Do you want more new experiences?" tanong nito. "The night is still young. Nasa labas na rin lang tayo, bakit hindi pa natin lubos-lubusin ang paglilibot."

"Hindi lang pala kita teacher, parang gusto mo ring maging tour guide ko rito sa Maynila."

"Why not?" He grinned. "I'll take you to places you have never been before."

Mayamaya pa ay nasa tapat na sila ng isang bar. May mga bars din sa Vigan ngunit hindi siya pumapasok sa ganoong lugar dahil wala siyang hilig sa nightlife at hindi siya marunong uminom.

"I have never been to this kind of place."

"I know. Don't worry, this is a decent bar."

Hawak ang kamay ni Isabella, iginiya siya nito papasok sa loob ng bar. Pagpasok pa lang nila ay may mga bumati na kay Drew. Mukhang parokyano ito ng bar na iyon. Maraming tao at maingay sa loob. May live band na tumutugtog sa stage. Naupo sila nito sa isang couch sa second floor ng bar.

"One strawberry margarita and a glass of metaxa twelve stars," sabi ni Drew sa waiter.

"Hindi ako umiinom," aniya nang makaalis ang waiter.

"It's just a cocktail. Hindi ka malalasing do'n."

Hindi na siya kumontra dahil hindi naman pala purong alak iyon. Isa pa, awkward naman kung hindi siya iinom sa ganoong klaseng lugar.

Mayamaya lang ay nasa harap na niya ang cocktail drink. Sinimulan niyang sipsipin iyon mula sa straw. Lasang strawberry nga iyon na may kaunting pait.

"It has tequila. Masarap naman, 'di ba?"

"Oo. Masarap naman."

Uminom ito ng alak. "So, kumusta pala ang pagsusulat mo ng tips? May nasulat ka na ba?"

Napabuntong-hininga siya. Ibinaba niya ang baso sa mesa. "Wala pa."

Kumunot ang noo nito. "Wala pa? Bakit?"

"Maraming factors."

Tumango-tango ito na tila nakakaunawa. Nagpa-salamat siya nang lihim dahil hindi na nagtanong pa ito.

"You know, it's really hard writing a book on sex."

"Naiintindihan mo ang kalagayan ko?"

Tumango ito. "In order to write a book like that, hindi lang knowledge ang kailangan ng isang tao kundi karanasan din," sabi nito habang nakatitig ito sa kanya.

Bahagya siyang nailang sa ibig tukuyin nito ngunit naisip niyang isang magandang pagkakataon iyon upang masabi niya rito ang pabor na kailangan niyang hingin dito. "I'm glad na naiintindihan mo ako."

"But maybe your situation just proves that in order to gain big, one must work really hard."

Natameme siya sa sinabi nito. Hindi na tuloy niya naituloy ang balak na sabihin dito.

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon