PART 14

22.6K 563 10
                                    


"WE, MEN, are highly sensitive to strong visual and auditory cues."

Isinulat ni Issabella ang sinabi ni Drew. Bagaman matindi ang pagkailang na nadarama, nagawa niyang magapi iyon sa pamamagitan ng pagiging sarkastiko sa bawat sabihin nito. "Of course. Kaya nga may pornography ay dahil sa mga lalaki," aniya.

He laughed. "We like women to stimulate us visually and verbally."

Pakiramdam niya ay puwede nang pagprituhan ang kanyang mga pisngi dahil sa sobrang init ng mga iyon. Yumuko na lamang siya at inilista ang mga sinasabi nito. Hindi siya makatingin dito habang nagtuturo ito tungkol sa sex na para bang wala lamang iyon dito. Inisip na lamang niyang parang trabaho lamang ang ginagawa niya, walang malisya. Pagkatapos ng trabahong iyon ay sasahod siya nang limpak-limpak na salapi at ari-arian. Iyon dapat ang laging iisipin niya para makaya ng kanyang mga tainga ang mga naririnig at maririnig pa.

"Any reaction?" tanong nito pagkatapos magturo tungkol sa mga nakapagpapalakas ng pagnanasa ng mga lalaki.

"No reaction," mahinang tugon niya habang nakatutok ang paningin sa notebook niya. Pagkatapos ng lahat ng mga narinig niya, mukhang hindi niya makakayang tumingin sa kahit sinong lalaki.

Kahit hindi siya nakatingin dito, alam niyang nakangisi na naman ito. May pakiramdam siyang lihim na pinagtatawanan nito ang reaksiyon niya.

"Do you have questions?"

"None." Kahit may mga tanong siya ay hindi niya kayang isatinig ang mga iyon.

"Okay then, let's call it a day."

Noon siya napatingin dito. "Iyon lang?"

"For today."

"Ha? Ibig sabihin..."

"Ibig sabihin, may klase pa uli tayo bukas, sa isang bukas, sa mga susunod na bukas hanggang sa matutuhan mo ang lahat ng kailangan mong matutuhan at mabuo natin ang libro ng tita mo."

"Inaasahan ko na dalawa o tatlong araw lamang ang itatagal ng tutorial class na ito. Isang oras ka pa lang nagtuturo. Hindi ba dapat at least eight hours ang klase natin? Kung magagawa natin iyon, hindi na natin kailangan pa ng maraming bukas."

"Imposible ang gusto mong mangyari. I also have other engagements to attend to. Hindi kita kayang turuan nang otso oras sa isang araw."

"Babayaran naman kita, eh."

"Mahirap at mahaba kasi ang pagbibigay ng lecture." Ngumiti ito. "But, well, may mas madaling procedure para matutuhan mo ang lahat ng ito in just a few sessions."

"And what is that?"

"Hands-on teaching," he said, grinning naughtily.

Napanganga siya sa sinabi nito.

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon